FILIPINO

FILIPINO

LET REVIEW MATERIAL

MULTIPLE CHOICE

1. “Ipinagluto ng kanyang asawa si Jestoni”. Ano ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap?
A. ganapan C. tagaganap
B. sanhi D. tagatanggap
Sagot: D-Ang paksa na “si Jestoni” ay ang tagatanggap ng kilos na “ipinagluto” kaya ang pokus ng pandiwa ay pokus sa tagatanggap.
2. Sino ang may-akda ng Dasalan at Tocsohan?
A. Graciano Lopez Jaena C. Andres Bonifacio
B. N.V.M. Gonzalez D. Marcelo H. del Pilar
Sagot: D-Ang Dasalan at Tocsohan ay akda ni del Pilar. Ito ay kahawig ng mga dasal na itinuturo ng mga prayle sa mga Pilipino. Sa dasal na ito, lantaran niyang tinutuligsa ang mga kasalanan ng mga prayle noon.
3. Isang tanyag na Pilipinong manunulat na may sagisag-panulat na “Agap-ito Bagumbayan”.
A. Graciano Lopez Jaena C. Andres Bonifacio
B. N.V.M. Gonzalez D. Marcelo H. del Pilar
Sagot: C-Iilan sa kilalang sagisag-panulat ni Bonifacio ay ang mga ss. : May Pag-asa, Magdiwang at Agap-ito Bagumbayan.
4. Isang awiting bayan na tungkol sa pakikipagkaibigan.
A. sambotani C. daeleng
B. salagintok D. oyayi
Sagot: B-Ang sambotani ay awit sa tagumpay, ang daeleng ay sa pista at oyayi ay sa pagpapatulog ng bata.
5. Sino si Dolores Manapat?
A. Graciano Lopez Jaena C. Andres Bonifacio
B. N.V.M. Gonzalez D. Marcelo H. del Pilar
Sagot: D-Iilan sa mga sagisag panulat ni del Pilar ay ang mga ss. : Plaridel, Piping Dilat at Dolores Manapat.
6. Isang tulang maromansa na kung saan ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural at kaya naman ito ay hindi kapani-paniwala.
A. oda C. soneto
B. korido D. elehiya
Sagot: B-Ang oda, soneto at elehiya ay hindi tulang maromansa. Ang mga ito ay mga tulang liriko.
7. Ito ay isang tulang patnigan at hango sa isang alamat ng isang dalagang naghulog ng singsing sa dagat at ang sinumang binatang makakakita nito ay siyang pakakasalan ng dalaga.
A. panubong C. elehiya
B. karagatan D. oda
Sagot: B- Ang oda, panubong at elehiya ay hindi tulang patnigan. Ang mga ito ay mga tulang liriko.
8. Sino ang may akda ng awiting ang “Bayan Ko”?
A. Constancio De Guzman C. Dolores Manapat
B. Jose Corazon de Jesus D. Jomapa
Sagot: B-Ang “Bayan Ko” ay sinulat ni Jose Corazon de Jesus at nilapatan ng musika ni Constancio De Guzman.
9. Isang manunulat sa panahon ng Amerikano na nagging tanyag sa kanyang tulang “Ang Guryon”.
A. Ildefonso Santos C. Alejandro Abadilla
B. Amado Hernandez D. Teodor Gener
Sagot: A-Si Ildefonso Santos ay napabantog dahil sa kanyang tulang “Ang Guryon” at ang kanyang naging sagisag panulat ay “Ilaw Silangan”.
10. Siya ang “Ama ng Maikling Kwento sa Pilipinas”.
A. Jose Garcia Villa C. Aurelio Tolentino
B. Deogracias Rosario D. Zulueta de Costa
Sagot: B-Si Deogracias Rosario ay ang “Ama ng Maikling Kwento sa Pilipinas” at iilan sa kanyang mga akda ay ang mga ss. : Walang Panginoon, Ang Geisha at Dahil sa Pag-ibig.
11. Isang dula na sumikat nang humina ang zarzuela sa Pilipinas. Ito ay tinatawag ding stage show sa Ingles.
A. bodabil C. karagatan
B. duplo D. korido
Sagot: A-Taong 1916 ipinakilala ang bodabil sa Pilpinas. Ito ay isang uri ng dula na pinaghalu-halong awitan, sayawan, drama at katatawanan.
12. Isang epiko tungkol sa kasaysayan ng pag-iibigan ng mga bathala mula sa Iloilo, Antique at Aklan.
A. Hinilawod C. Bidasari
B. Biag-ni-Lam-ang D. Maragtas
Sagot: A- Ang Hinilawod ang tinuturing na pinakamahaba at pinakamatandang epiko ng Panay.
13. Siya ay kilala bilang ang “dakilang manunulat” ng kilusang propaganda.
A. Graciano Lopez Jaena C. Marcelo H. Del Pilar
B. Jose Rizal D. Gregorio Del Pilar
Sagot: B- Ang Triumvirate ng Kilusang Propaganda ay sina Graciano Lopez Jaena, Jose Rizal at Marcelo H. Del Pilar. At ang tinaguriang ang “dakilang manunulat” ay si Jose Rizal.
14. Alin sa mga sumusunod na titik ng Alpabetong Filipino ay isang hiram?
A. y     C. c
B. b     D. ng
Sagot: C- Ang titik na c ay mula sa Alpabetong Ingles.
15. Anong teorya ng wika ang nagsasabing ang wika ay nailikha bunga ng masidhing damdamin ng tao?
A. Bow-wow C. Ding-dong
B. Pooh-pooh D. Yoheho
Sagot: B- Ang Teoryang Pooh-pooh ay ang teorya ng wika na nagsasabing ang wika ay nailikha bunga ng masidhing damdamin ng tao gaya ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
16. “Katoliko ba ang Santo Papa?”
Ang pahayag sa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?
A. Pagdaramdam C. Pagtanggi
B. Tanong Retorikal D. Pagsalungat
Sagot: B- Ang Tanong Retorikal ay isang tanong na may pangunahing layunin na makuha ang atensyon ng mambabasa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tanong na hindi naman kailangang bigyan ng kasagutan.
17. Bakit Tagalog ang siyang napiling batayan ng kauna-unahang wikang pambansa sa Pilipinas?
A. Dahil sa ito ang ginagamit ng mga taga-Manila kung saan naman matatagpuan ang kabisera ng Pilipinas.
B. Dahil sa ito ay binubuo ng mga kaakit-akit na mga salita at bokabularyo
C. Dahil sa ito ay tinatanggap at ginagamit na ng mas nakararaming Pilipino.
D. A at C
Sagot: C- Maliban sa napatunayan na ang wikang Tagalog ay ang may pinakamaunlad na kayarian, mekanismo at literatura, pinili ang Tagalog bilang batayan ng kauna-unahang wikang pambansa dahil sa ito ay tinatanggap at ginagamit na ng mas nakararaming Pilipino.
18. Ilan lahat ang hiram na titik ng Alpabetong Filipino?
A. 6     C. 8
B. 7     D. 9
Sagot: C- Walo ang hiram na titik ng Alpabetong Filipino mula sa mga banyagang Alpabeto: c, f, j, ñ, q, v, x at z .
19. Ano ang naging pangalan ng wikang pambansa noong 1959?
A. Pilipino     C. Tagalog
B. Filipino     D. Wikang Pambansa
Sagot: A-Pinaikli ang pangalan ng naunang wikang pambansa noong taong 1939 at ito ay naging Pilipino sa taong 1959.
20. Isang awiting bayan na ginamit sa pagpapatulog ng bata.
A. diona     C. soliranin
B. oyayi     D. umbay
Sagot: B-Ang diona ay para sa panliligaw, soliranin para sa paggaod ng bangka at umbay para sa paglilibing.
21. “Ang palasyo ay nag-anunsyo na walang pasok bukas.”
Ano ang tayutay ang ginamit sa pahayag sa itaas?
A. Pagpapalit-saklaw C. Pagtanggi
B. Pagpapalit-tawag D. Pagsalungat
Sagot: B-Ang pagpapalit-tawag ay ang paggamit ng isang pangalan upang tukuyin ang isa pang pangalan na pinapalitan nito. Sa itaas, ang palasyo ay ginamit na tumutukoy naman sa president ng Pilipinas.
22. “Apat na mga mata ang tumititig sa kanya.”
Ano ang tayutay ang ginamit sa pahayag na ito?
A. Pagpapalit-saklaw C. Pagtanggi
B. Pagpapalit-tawag D. Pagsalungat
Sagot: A-Ang pagpapalit-saklaw ay ang pagbanggit ng isang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan. Sa itaas, ang apat na mata ay ginamit na tumutukoy naman sa dalawang tao.
23. “San ba siya nakatira?” Ano ang antas ng wikang nakasalangguhit?
A. kolokyal C. balbal
B. pambansa D. lalawiganin
Sagot: A- Ang kolokyal ay isang halimbawa ng impormal na antas ng wika na kung saan pinapaikli ang isang salita mula sa orihinal na salita.
24. Ang “Maupay na Aga!” ng mga taga Samar ay halimbawa ng anong antas ng wika?
A. kolokyal C. balbal
B. pambansa D. lalawiganin
Sagot: D-Waray-waray ang tawag sa dayalekto sa mga taga-Samar. Ang ibang katawagan ng dayalekto ay lalawiganin. Ang dayalekto o lalawiganin ay isang barayti ng wika na tumutukoy sa isang wika na sinasalita sa isang pook, rehiyon o lugar.
25. Ang “Hindi po namin kayo tatantanan” at “Dahil hindi natutulog ang balita 24 oras” ay mga tanyag na pahayag ni Mike Enriquez sa telebisyon. Sa anong barayti ng wika ito naiuuri?
A. Jargon C. Sosyolek
B. Dayalekto D. Idyolek
Sagot: D-Ang idyolek ay isang barayti ng wika na kung saan iba ang wika ng bawat isa dahil ang bawat tao ay may kanya-kanyang personal na paraan sa paggamit nito.
26. “Neneng ang pangalan ng aking ermat.” Ano ang antas ng wikang nakasalangguhit?
A. kolokyal C. balbal
B. pambansa D. lalawiganin
Sagot: C- Ang balbal ang pinakamababang antas ng wika. Ito ay kadalasang ginagamit sa usapang kalye.
27. Ano ang tamang ispeling ng salitang barbershop sa Filipino?
A. barbersyap C. barbershap
B. barbershop D. barbersiyap
Sagot: B- Ang mga salitang may digrapong sh ay pinananatili na lamang sa orihinal na anyo.
28. Isang kwento hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban at kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa.
A. pabula C. mitolohiya
B. parabula D. anekdota
Sagot: C- Ang pabula ay tungkol sa kwento na ang nagsisiganap ay mga hayop, parabula ay mula sa Bibliya at ang anekdota ay mga pangyayari na hango sa tunay na buhay, karanasan at kapupulutan ng aral.
29. Isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na may pambihirang katangian.
A. epiko C. parabula
B. pabula D. dalit
Sagot: A- Ang pabula ay tungkol sa kwento na ang nagsisiganap ay mga hayop, parabula ay mula sa Bibliya at ang dalit ay awit na pumupuri sa Diyos.
30. Alin sa apat na uri ng akdang pampanitikan na patula ay tungkol sa pangangatwiran at tagisan ng talino?
A. tulang pasalaysay C. tulang padula
B. tulang patnigan D. tulang liriko
Sagot: B-Ang tulang patnigan ay isang uri ng pagtatalong patula na itinatanghal ng mga natutunggaling makata.
31. “Ikaw ang aking mahal”. Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.
A. payak C. karaniwan
B. tambalan D. di-karaniwan
Sagot: D-Di-karaniwan ang ayos ng isang pangungusap kung nauna ang simuno kaysa sa panaguri.
32. Ang may-akda ng “Kahapon, Ngayon at Bukas”?
A. Aurelio Tolentino C. Alejandro Abadilla
B. Juan Abad D. Severino Reyes
Sagot: A-Ang “Kahapon, Ngayon at Bukas” ay isang akda ni Aurelio Tolentino. Ito ay sumikat sa taong 1903 at tungkol sa pagtutuligsa ng mga Amerikano.
33. Siya ang sumulat ng dulang ang “Tanikalang Ginto” na kung saan inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulang ito at dinakip ang may-akda.
A. Aurelio Tolentino C. Alejandro Abadilla
B. Juan Abad D. Severino Reyes
Sagot: B-Ang “Tanikalang Ginto” ay isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at sedisyoso.
34. Ang mga sumusunod ay mga nobela ni Lualhati Bautista MALIBAN sa______.
A. Dekada ‘70 C. Gapo
B. Satanas sa Lupa D. Bulaklak ng City Jail
Sagot: B- Ang Satanas sa Lupa ay akda ni Celso Al Carunungan.
35. Isang batikan at kilalang feministang manunulat na kung saan ang kanyang akda ay nakapokus sa mga kababaihan. Siya ang may-akda ng “Bata, Bata, Paano ka Ginawa?”
A. Estrella Alfon C. Fausto Galauran
B. Lualhati Bautista D. Gervacio Santiago
Sagot: B-Iilan sa mga kilalang akda ni Lualhati Bautista ay ang mga sumusunod: Dekada ’70, “Nena” at “Bata, Bata, Paano ka Ginawa?”.
36. Ito ay isang kwento tungkol sa pagpapadala ng prinsipe sa kanyang kapatid na lalaki upang patayin ang mga halimaw sa kabilang bundok. Ito ang tinaguriang alamat ng Mindanao.
A. Alim C. Indarapatra at Sulayman
B. Hudhud D. Wala sa Nabanggit
Sagot: C-Ang Alim at Hudhud ay epiko ng mga Ifugao.
37. Handa ng lumisan ang taong “amoy lupa” nang malaman niyang nasa maayos na nakalagayan ang mga anak nito.Ang pariralang “amoy lupa” ay nagsasaad ng anong antas ng wika?
A. kolokyal C. balbal
B. pambansa D. pampanitikan
Sagot: D-Ang amoy lupa ay isang idyoma na ang ibig sabihin ay matanda na at malapit ng mamatay. Ang isang idyoma ay nasa antas pampanitikan.
38. Isang epiko ng mga bisaya na tungkol sa kalipunan ng mga kautusan ng pamahalaan. Gaya ng “Kodigo ni Kalantiyaw” ng tribu ng Aklan.
A. Bantugan C. Bidasari
B. Lagda D. Darangan
Sagot: B-Ang Bantugan, Bidasari at Darangan ay mga epiko ng mga Muslim.
39. Siya ang may-akda ng dulang ang “Dalagang Bukid”.
A. Hermogenes Ilagan C. Alejandro Abadilla
B. N.V.M. Gonzalez D. Patricio Mariano
Sagot: A-Si Hermogenes Ilagan ang may-akda ng dulang ang “Dalagang Bukid” na siyang nagging batayan ng awiting panzarsuela.
40. Sino ang may-akda ng Fray Botod?
A. Jose Garcia Villa C. Marcelo del Pilar
B. Graciano Lopez Jaena D. Jose Rizal
Sagot: B- Ang akdang “Fray Botod” ay isang akdang tumutuligsa sa kamangmangan at pagmamalabis ng mga prayle. Ito ay sinulat ni Graciano Lopez Jaena.
41. Isang awiting bayan na tungkol sa paglilibing.
A. umbay C. sambotani
B. kundiman D. soliranin
Sagot: A-Ang kundiman ay tungkol sa pag-ibig, sambotani sa tagumpay at soliranin sa paggaod ng Bangka.
42. Alin sa mga sumusunod ay HINDI tulang pasalaysay?
A. Moro-moro C. Awit
B. Epiko D. Korido
Sagot: A-Ang moro-moro ay isang tulang padula na nagpapakita ng hidwaan ng mga Kristyano at ng mga Di-Kristyano
43. Alin sa mga tula sa ibaba ang isang tulang liriko?
A. Panunuluyan C. Pastoral
B. Duplo D. Balagtasan
Sagot: C-Ang pastoral ay isang tulang liriko na naglalayong ilarawan o ipahayag ang tunay na buhay sa kabundukan.
44. Isang tulang maromansa na kung saan nakaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan at hango sa tunay na buhay.
A. oda C. soneto
B. awit D. elehiya
Sagot: B-Ang oda, soneto at elehiya ay hindi tulang maromansa. Ang mga ito ay mga tulang liriko.
45. Alin sa mga sumusunod ang HINDI epiko ng Bisaya?
A. Lagda C. Bidasari
B. Maragtas D. Hinilawod
Sagot: C-Ang Bidasari ay epiko ng mga Muslim.
46. Ang tinaguriang pinakasikat na epiko ng mga Ilokano.
A. Ibalon at Aslon C. Hinilawod
B. Bantugan D. Biag ni Lam-ang
Sagot: D-Ang Biag ni Lam-ang ay isang tanyag na epiko ng mga Ilokano bago pa man dumating ang mga Kastila subalit nasulat lamang ito noong dakong dantaong labimpito. Ito ay akda ni Pedro Bukaneg.
47. Isang epiko na tungkol sa mga bathalang Ifugao ni Punholdayan at Makanungan. Tinutukoy rito ang pagpapakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan.
A. Haraya C. Hari sa Bukid
B. Alim D. Lagda
Sagot: B-Ang Haraya, Hari sa Bukid at Lagda ay mga epiko ng mga Bisaya.
48. Alin sa mga sumusunod ay isang epiko ng mga Ifugao?
A. Ibalon at Aslon C. Biag ni Lam-ang
B. Hudhud D. Haraya
Sagot: B-Ang Hudhud ay isang epiko ng mga Ifugao na tungkol sa mga buhay at pakikipagsapalaran ng mga dakilang bayani ng Ifugao na ang tanging bida ay si Aliguyan.
49. Isang manunulat sa wikang Kastila na may sagisag panulat na Batikuling at nahirang na Makatang Laureado.
A. Jesus Balmori C. Alejandro Abadilla
B. N.V.M. Gonzalez D. Zulueta de Costa
Sagot: A-Si Jesus Balmori ay nahirang na Makatang Laureado dahil tinalo niya si Manuel Bernabe sa balagtasan ng wikang Kastila.
50. Ang kauna-unahang nobelang sinulat ng isang Pilipino gamit ang wikang Ingles.
A. The Wound and Stars C. Like the Molave
B. A Child of Sorrow D. A Vision of Beauty
Sagot: B-Ang “A Child Of Sorrow” ay isang akda ni Zoilo Galang.
51. Isang Cebuana na ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles bago makadigma.
A. Estrella Alfon C. Dolores Manapat
B. N.V.M. Gonzalez D. Jomapa
Sagot: A-Si Estrella Alfon ay ipinanganak sa San Nicolas, Cebu at nagwagi ng mga karangalan mula sa maikling kwento at dula sa Free Press, Carlos Palanca Award at iba pa.

Comments

Popular posts from this blog

Professional Education

SOCIAL SCIENCE/SOCIAL STUDIES

PROFESSIONAL EDUCATION