FILIPINO
FILIPINO LET REVIEW MATERIAL MULTIPLE CHOICE 1. “Ipinagluto ng kanyang asawa si Jestoni”. Ano ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap? A. ganapan C. tagaganap B. sanhi D. tagatanggap Sagot: D-Ang paksa na “si Jestoni” ay ang tagatanggap ng kilos na “ipinagluto” kaya ang pokus ng pandiwa ay pokus sa tagatanggap. 2. Sino ang may-akda ng Dasalan at Tocsohan? A. Graciano Lopez Jaena C. Andres Bonifacio B. N.V.M. Gonzalez D. Marcelo H. del Pilar Sagot: D-Ang Dasalan at Tocsohan ay akda ni del Pilar. Ito ay kahawig ng mga dasal na itinuturo ng mga prayle sa mga Pilipino. Sa dasal na ito, lantaran niyang tinutuligsa ang mga kasalanan ng mga prayle noon. 3. Isang tanyag na Pilipinong manunulat na may sagisag-panulat na “Agap-ito Bagumbayan”. A. Graciano Lopez Jaena C. Andres Bonifacio B. N.V.M. Gonzalez D. Marcelo H. del Pilar Sagot: C-Iilan sa kilalang sagisag-panulat ni Bonifacio ay ang mga ss. : May Pag-asa, Magdiwang at Agap-ito Bagumbayan. 4. Isang awiting bayan na tungkol sa pakikipagka