FILIPINO

 📚 FILIPINO 📚

60 Items with Answer key and Rationalization.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

1. Sinong Filipino manunulat ang tinaguriang “Ama ng Zarsuelang Tagalog”?
A. Aurelio Tolentino C. Alejandro Abadilla
B. N.V.M. Gonzalez D. Severino Reyes
Sagot: D. Severino Reyes ang nagtatag ng unang samahan sa dula, “Gran Compania de Zarzuela Tagala.” Ang kanyang zarsuelang “Walang Sugat” ay ang tinuturing na kanyang obra-maestra.

2. Ang Gintong Panahon ng Panitikan ng Pilipinas ay ang panahon ng __________.
A. Amerikano C. Kastila
B. Hapones D. Kontemporaryo

Sagot: B. Pinagbawal ng pamahalaang Hapon ang mga Pilipino sa pagsulat ng anumang akda sa Ingles, kaya umusbong ang mga akdang naisulat sa Filipino.

3. Isang tanyag na Pilipinong manunulat na may sagisag-panulat na “Kalipulako.”
A. Jose dela Cruz C. Mariano Ponce
B. Antonio Luna D. Severino Reyes
Sagot: C. Tatlo ang kilalang sagisag-panulat ni Mariano Ponce: Kalipulako, Tikbalang at Nanding.

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI epiko ng Mindanao?
A. Indarapata at Sulayman C. Bidasari
B. Alim D. Bantugan
Sagot: B. Ang Alim ay epiko ng mga Ifugao.

5. Ang titik na “ng” sa Alpabetong Filipino ay nagmula sa alpabetong ___________.
A. Ingles C. Romano
B. Abecedario D. Abakada
Sagot: D. Si Lope K. Santos ang nagbalangkas ng Abakada. Sa Abakada nanggaling ang titik na “ng.”

6. Ilang titik ang hiniram ng Alpabetong Filipino mula sa Alpabetong Ingles?
A. 6 C. 8
B. 7 D. 9
Sagot: B. Ang mga titik na hiniram ng Alpabetong Filipino mula sa Alpabetong Ingles ay ang mga titik na c, f, j, q, v, x, at z.

7. Anong titulo sa panitikan ng Pilipinas ang ibinigay sa may-akda sa tulang pinamagatang “Isang Dipang Langit”?
A. Makata ng Pag-ibig C. Makata ng Masa
B. Makata ng Manggagawa D. Ama ng Wikang Pambansa
Sagot: B. Ang may-akda sa tulang “Isang Dipang Langit” ay si Amado V. Hernandez, at siya ang tinaguarian na “Makata ng Manggagawa.”

8. Isa sa pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles at kilala sakanyang sagisag na panulat na “Doveglion.”
A. Jose Garcia Villa C. Alejandro Abadilla
B. N.V.M. Gonzalez D. Zulueta de Costa
Sagot: A. Si Jose Garcia Villa ay kilala sa paggamit ng mga matatalim na mga salita. Ang kanyang sagisag na panulat na “Doveglion,” ay nagmula sa dove, eagle at lion.

9. Kinilala siyang “Makata ng Pag-ibig” at “Hari ng Balagtasan” ng kanyang panahon. Siya ang sumulat sa titik ng makabayang awitin ng “Bayan Ko.”
A. Jose Garcia Villa C. Aurelio Tolentino
B. Jose Corazon de Jesus D. Zulueta de Costa
Sagot: B. Si Jose Corazon de Jesus ay ang “Makata ng Pag-ibig” at “Hari ng Balagtasan” sa kanyang panahon. Tinagurian siyang “Hari ng Balagtasan” matapos manalo laban kay Florentino T. Collantes.

10. Ang may-akda ng tulang “Ako Ang Daigdig”.
A. Alejandro Abadilla C. Aurelio Tolentino
B. Jose Corazon de Jesus D. Amado Fernandiz
Sagot: A. Si Alejandro Abadilla ang may-akda ng tulang “Ako Ang Daigdig.” Ang tulang ito ay isang tulang malayang taludturan na umiikot sa tatlong salita: ako, daidig at tula.

11. Sabihin mo na ang totoo
Totoo at walang bahid na kasinungalingan
Kasinungalingan ay ‘di ko tatanggapin
Tatanggapin lamang kung ano ang totoo at nararapat sa akin
Ang nasa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?
A. Anapora C. Anadiplosis
B. Epipora D. Konsonans
Sagot: C. Ang anadiplosis ay isang uri ng tayutay na kung saan inuulit ang huli at unang bahagi isang taludtod o pahayag.

12. Ang salita ang may klaster?
A. palma C. pluma
B. basta D. basket
Sagot: C. Upang magkaroon ng klaster ang isang salita, hindi lang dapat magkasunod ang dalawa o higit pa na katinig, kung hindi, dapat din na nasa iisang pantig ang nasabing magkasunod na katinig.

13. “Ang aking pag-ibig ay tanging sa iyo lamang.” Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.
A. payak C. karaniwan
B. tambalan D. di-karaniwan
Sagot: D. Di-karaniwan ang ayos ng isang pangungusap kung nauna ang simuno kaysa sa panaguri.

14. Aling salita ang may diptonggo?
A. buwis C. buhay
B. bayan D. iwas
Sagot: C. Upang magkaroon ng diptonggo ang isang salita, hindi lang dapat magkasunod ang isang patinig at ang malapatinig na w o y, kung hindi, dapat din na ang dalawa ay nasa iisang pantig.

15. Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin,
Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko,
Sa kanya lamang at wala ng iba.
Anong uri ng tayutay ang pinapakita sa itaas?
A. Anapora C. Anadiplosis
B. Epipora D. Konsonans
Sagot: A. Ang anapor ay ang pag-uulit sa unang bahagi ng taludtod o pahayag.

16. Ipaglalaban kita dahil mahal kita.
Aalagaan kita dahil mahal kita.
Kailangan kita dahil mahal kita.
Ang nasa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?
A. Anapora C. Anadiplosis
B. Epipora D. Konsonans
Sagot: B. Ang epipora ay isang uri ng tayutay na kung saan inuulit ang huling bahagi ng isang taludtod o pahayag.

17. Ang Cebuano, Ilokano at Hiligaynon ay halimbawa ng anong barayti ng wika?
A. sosyolek C. dayalekto
B. dyolek D. jargon
Sagot: C. Ang dayalekto ay isang barayti ng wika na tumutukoy sa isang wika na sinasalita sa isang pook, rehiyon o lugar.

18. “Nakulong si Janette.” Ibigay ang ayos nga pangungusap na ito.
A. payak C. karaniwan
B. tambalan D. di-karaniwan
Sagot: C. Karaniwan ang ayos ng isang pangungusap kung nauna ang panguri kaysa simuno

19. “Meron akong nalaman. ‘Di ko sasabihin sa iyo.” Nasa anong antas ng wika ang mga salitang nakasalungguhit?
A. kolokyal C. pampanitikan
B. balbal D. lalawigan
Sagot: A. Ang kolokyal ay isang halimbawa ng impormal na antas ng wika na kung saan pinapaikli ang isang salita mula sa orihinal na salita.

20. Ito ang pinakaunang Sistema ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino.
A. Alibata C. Diona
B. Cuneiform D. Abecedario
Sagot: A. Ang Alibata ay hango sa alpabetong Arabo na “alif-ba-ta.” Ito ay may 17 titik: 3 patinig at 14 na katinig.

21. Ito at isang epiko tungkol sa kasaysayan ng pag-iibigan ng mga bathala mula sa Iloilo, Antique at Aklan.
A. Hinilawod C. Bidasari
B. Biag-ni-Lam-ang D. Maragtas
Sagot: A. Ang Hinilawod ang tinuturing pinakamahaba at pinakamatandang epiko ng Panay.

22. Siya ay kilala “dakilang manunulat ng kilusang propaganda.
A. Graciano Lopez Jaena C. Marcelo H. Del Pilar
B. Jose Rizal D. Gregorio Del Pilar
Sagot: B. Ang “Triumvirate” ng Kilusang Propaganda ay sina Graciano Lopez Jaena, Jose Rizal at Marcelo H. Del Pilar, at ang tinaguriang ang “dakilang manunulat” ay si Jose Rizal.

23. Alin sa mga sumusunod na titik ng Alpabetong Filipino ay isang hiram?
A. y C. c
B. b D. ng
Sagot: C. Ang titik na c ay mula sa Alpabetong ingles.

24. Anong teorya ng wika ang nagsasabing ang wika ay nailikha bunga ng masidhing damdamin ng tao?
A. Bow-wow C. Ding-dong
B. Pooh-pooh D. Yoheho
Sagot: B. Ang Teoryang Pooh-pooh ay ang teorya ng wika na nagsasabing ang wika ay nailikha bunga ng masidhing damdamin ng tao gaya ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.

25. “Natutulog ba ng Diyos?”
Ang pahayag sa itaas ay halibawa ng anong uri ng tayutay?
A. Pagdaramdam C. Pagtanggi
B. Tanong retorikal D. Pagsalungat
Sagot: B. Ang Tanong Retorikal ay isang tanong na may pangunahing layunin na makuha ang atensyon mambabasa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tanong na hindi naman kailangang bigyan ng kasagutan.

26. Bakit Tagalog ang siyang napiling batayan ng kauna-unahang wikang pambansa sa Pilipinas?
A. Dahil sa ito ang ginagamit ng mga taga-Manila kung saan naman matatagpuan ang kabisera ng Pilipinas
B. Dahil sa ito ay binubuo ng mga kaakit-akit na mga salita at bokabularyo
C. Dahil sa ito ay tinatanggap at ginagamit na ng mas nakararaming Pilipino
D. A at C
Sagot: C. Maliban sa napatunayan na ang wikang Tagalog ay ang may pinakamaunlad na kayarian, mekanismo at literature, pinili ang Tagalog bilang batayan ng kauna-unahang wikang pambansa dahil sa ito ay tinatanggap at ginagamit na ng mas nakararaming Pilipino.

27. Ano ang naging pangalan ng wikang pambansa noong 1959?
A. Pilipino C. Tagalog
B. Filipino D. Wikang Pambansa
Sagot: A. Pinaikli ang pangalan ng naunang wikang pambansa noong taong 1939, at ito ay nagging Pilipino sa taong 1959.

28. Isang awiting bayan na ginamit sa pagpapatulog ng bata ay ang _______.
A. diona C. soliranin
B. oyayi D. umbay
Sagot: B. Ang diona ay para sa panliligaw, Soliranin para sa paggaod ng Bangka at ang umbay para sa paglilibing.

29. “Ang palasyo ay nag-anunsyo na walang pasok bukas.”
Ano ang tayutay ang ginamit sa pahayag sa itaas?
A. Pagpapalit-saklaw C. Pagtanggi
B. Pagpapalit-tawag D. Pagsalungat
Sagot: B. Ang papalit-tawag ay ang paggamit ng isang pangalan upang tukuyin ang isa pang pangalan na pinapalitan nito. Sa itaas, ang palasyo ay ginamit na tumutukoy naman sa pangulo ng Pilipinas.

30. “Apat na mga mata ang tumititig sa kanya.”
Ano ang tayutay ang ginamit sa pahayag na ito?
A. Pagpapalit-saklaw C. Pagtanggi
B. Pagpapalit-tawag D. Pagsalungat
Sagot: A. Ang pagpapalit-saklaw ay ang pagbanggit ng isang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan. Sa itaas, ang apat na mata ay ginamit na tumutukoy naman sa dalawang tao.

31. Ang “Maupay na Aga!” ng mga taga Samar ay halimbawa ng anong antas ng wika?
A. kolokyal C. balbal
B. pambansa D. lalawigan
Sagot: A. Waray-waray ang tawag sa dayalekto ng mga taga-Samar. Ang ibang katawagan ng dayalekto ay lalawiganin. Ang dayalekto o lalawigan ay isang barayti ng wika na tumutukoy sa isang wika na sinasalita sa isang pook, rehiyon o lugar.

32. Ang “Hindi po namin kayo tatantanan” at “Dahil hindi natutulog ang balita 24 oras” ay mga tanyag na pahayag ni Mike Enriquez sa telebisyon. Sa anong barayti ng wika ito nauuri?
A. Jargon C. Sosyolek
B. Dayalekto D. Idyolek
Sagot: D. Ang idyolek ay isang barayti ng wika na kung saan iba ang wika ng bawat isa dahil ang bawat tao ay may kanya-kanyang personal na paggamit nito.

33. “ Neneng ang pangalan ng aking ermat.” Ano ang antas ng wikang nakasalungguhit?
A. kolokyal C. balbal
B. pambansa D. lalawiganin
Sagot: C. Ang balbal ang pinakamababang antas ng wika. Ito ay kadalasang ginagamit sa usapang kalye.

34. Ano ang tamang ispeling ng salitang barbershop sa Filipino?
A. barbersyap C. barbershap
B. barbershop D. barbersiyap
Sagot: B. Ang mga salitang may digrapong sh ay pinananatili na lamang sa orihinal na anyo.

35. Isang kwento hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban at kalipunan ng iba’t-ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa ay ________.
A. pabula C. mitolohiya
B. parabula D. anekdota
Sagot: C. Ang pabula ay tungkol sa kwento na ang nagsisiganap ay mga hayop, parabula ay mula sa Bibliya, at ang anekdota ay mga pangyayari na hango sa tunay na buhay, karanasan at kapupulutan ng aral.

36. Isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na may pambihirang katangian ay ang _________.
A. epiko C. parabula
B. pabula D. dalit
Sagot: A. Ang pabula ay tungkol sa kwento na ang nagsisiganap ay mga hayop. Ang parabola ay mula sa Bibliya, at ang dalit ay awit na pumupuri sa diyos.

37. Alin sa apat na uri ng akdang pampanitikan na patula ay tungkol sa pangangatwiran at tagisan ng talino?
A. tulang pasalaysay C. tulang padula
B. tulang patnigan D. tulang liriko
Sagot: B. Ang tulang patnigan ay isang uri ng pagtatalong patula na itinatanghal ng mga natutunggaling makata.

38. “Ikaw ang aking mahal.” Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.
A. payak C. karaniwan
B. tambalan D. di-karaniwan
Sagot: D. Di-karaniwan ang ayos ng isang pangungusap kung nauna ang simuno kaysa sa panaguri.

39. Alin sa mga sumusunod ay HINDI tulang pasalaysay?
A. Moro-moro C. Awit
B. Epiko D. Korido
Sagot: A. Ang moro-moro ay isang tulang padula na nagpapakita ng hidwaan ng mga kristyano at ng mga Di-Kristyano.

40. Alin sa mga tula sa ibaba ang isang tulang liriko?
A. Panunuluyan C. Pastoral
B. Daplo D. Balagtasan
Sagot: C. Ang pastoral ay isang tulang liriko na naglalayong ilarawan o ipahayag ang tunay na buhay sa kabundukan.

41. Isang tulang maromansa na kung saan nakaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan at hango sa tunay na buhay ay ______.
A. oda C. soneto
B. awit D. elehiya
Sagot: B. Ang oda, soneto at elehiya ay hindi tulang maromansa. Ang mga ito ay mga tulang liriko.

42. Alin sa sumusunod ang HINDI epiko ng Bisaya?
A. Lagda C. Bidasari
B. Maragtas D. Hinilawod
Sagot: C. Ang Bidasari ay epiko ng mga Muslim.

43. Ang tinaguriang pinakasikat na epiko ng mga Ilokano, ay ang _______.
A. Ibalon at Aslon C. Hinilawod
B. Bantugan D. Biag ni Lam-ang
Sagot: D. Ang Biag ni Lam-ang ay isang tanyag na epiko ng mga Ilokano bago pa man dumating ang mga Kastila, subalit nasulat lamang ito noong dakong dantaong labimpito. Ito ay akda ni Pedro Bukaneg.

44. Ito ay isang epiko na tungkol sa mga bathalang Ifugao ni Punholdayan at Makanungan. Tinutukoy rito ang pagpapakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan.
A. Haraya C. Hari sa Bukid
B. Alim D. Lagda
Sagot: B. Ang Haraya, Hari sa Bukid at Lagda ay mga epiko ng mga Bisaya.

45. Alin sa mga sumusunod ay isang epiko ng mga Ifugao.
A. Ibalon at Aslon C. Biag ni Lam-ang
B. Hudhud D. Haraya
Sagot: B. Ang Hudhud ay isang epiko ng mga Ifugao na tungkol sa mga buhay at pakikipagsapalaran ng mga dakilang bayani ng Ifugao na ang tanging bida ay si Aliguyon.

46. Isang manunulat sa wikang Kastila na may sagisag panulat na Batikuling at nahirang na Makatang Laureado, ay si_______.
A. Jesus Balmori C. Alejandro Abadilla
B. N.V.M Gonzalez D. Zulueta de Costa
Sagot: A. Si Jesus Balmori ay nahirang na Makatang Laureado dahil tinalo niya si Manuel Bernabe sa balagtasan ng wikang kastila.

47. Ang kauna-unahang nobelang sinulat ng isang Pilipino gamit ang wikang Ingles, ay ang _____.
A. The Wound and Stars C. Like the Molave
B. A Cild of Sorrow D. A Vision of Beauty
Sagot: B. Ang “A Child Of Sorrow” ay isang akda ni Zoilo Galang.

48. Isang Cebuana na ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles bago makadigma, ay si _______.
A. Estrella Alfon C. Dolores Manapat
B. N.V.M Gonzalez D. Jomapa
Sagot: A. Si Estrella Alfon ay ipinanganak sa San Nicolas, Cebu at nagwagi ng mga karangalan mula sa maikling kwento at dula sa Free Press, Carlos Palanca Award at iba pa.

49. “Nagtaksil si Adrian”. Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.
A. payak C. karaniwan
B. tambalan D. di-karaniwan
Sagot: C. Karaniwan ang ayos ng isang pangungusap kung nauna ang panaguri kaysa sa simuno.

50. “Umiiyak si Ana habang siya ay nagbasa ng isang sulat.” Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na ito?
A. pasalaysay C. hugnayan
B. padamdam D. tambalan
Sagot: C. Ang hugnayan ay isang uri ng pangungusap ayon sa kayarian na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-iisa. Ito ay ginagamitan ng pantulong pangatnig gaya ng pangatnig na habang. Ang pasalaysay at padamdam ay uri ng pangungusap ayon sa gamit.

51. “Nasusunog ang bahay!” Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na ito?
A. padamdam C. payak
B. pasalaysay D. tambalan
Sagot: C. Ang payak na pangungusap ay isang uri ng pangungusap ayon sa kayarian na bunubuo ng isang sugnay na makapag-iisa. Ang pasalaysay at padamdam ay uri ng pangungusap ayon sa gamit.

52. Ito ay ang pag-aaral ng makabuluhang tunog ng isang wika.
A. Ponolohiya C. Sintaks
B. Morpolohiya D. Palabuuan
Sagot: B. Ang ponolohiya ay ang tawag sa pag-aaral ng mga ponema.

53. Isang pag-aaral tungkol sa wika na tinatawag ding palabuuan, ay ang______.
A. Ponolohiya C. Sintaks
B. Morpolohiya D. Wala sa nabanggit
Sagot: B. Ang ponolohiya ay palatunugan at ang sintaks naman ay palaugnayan.

54. Alin sa mga sumusunod ay HINDI uri ng pangungusap ayon sa gamit/
A. padamdam
B. langkapan
C. pautos
D. patanong
Sagot: B. Ang langkapan ay uri ng pangungusap ayon sa kayarian.

55. Sino ang may-akda ng nobelang Banaag at Sikat?
A. Jose dela Cruz C. Jose Corazon de Jesus
B. Lope K. Santos D. Emilio Jacinto
Sagot: B. Si Lope K. Santos ay isang tanyag na Pilipinong manunulat at tinaguriang “Ama ng Balarilang Tagalog.”

56. Isang Pilipinong manunulat na may sagisag panulat na Dimas-ilaw, ay si______.
A. Jose dela Cruz C. Jose Corazon de Jesus
B. Antonio Luna D. Emilio Jacinto
Sagot: D. Si Jose dela Cruz ay Huseng Sisiw, Antonio Luna ay Taga-ilog, at Jose Corazon de Jesus ay Huseng Batute.

57. May sagisag panulat na Paralitiko at ang tinaguriang “Utak ng Himagsikan”, ay si ______.
A. Emilio Jacinto C. Jose Corazon de Jesus
B. Antonio Luna D. Apolinario Mabini
Sagot: D. Si Apolinario Mabini ay tinaguriang “Utak ng Himagsikan” sapagkat siya ang kanang kamay ni Emilio Aguinaldo.

58. Isang satirikong bersyon ni Del Pilar sa akdang sinulat ni Padre Jose Rodriguez na may ganito ring pamagat, ay ang _____.
A. Caiingat Cayo
B. Dasalan at Tocsohan
C. Fray Botod
D. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
Sagot: A. Ang Caiingat Cayo ay isang akdang isinulat ni Del Pilar na nagtatanggol sa Noli Me Tangere ni Rizal. Ito ay sagot sa Caiingit Cayo ni Padre Jose Rodriguez.

59. Sino ang may-akda ng Dasalan at Tocsohan?
A. Graciano Lopez Jaena
B. N.V.M Gonzalez
C. Andres Bonifacio
D. Marcelo H. del Pilar
Sagot: D. Ang Dasalan at Tocsohan ay akda ni del Pilar. Ito ay kahawig ng mga dasal na itinuturo ng mga prayle sa mga Pilipino. Sa dasal na ito, lantaran niyang tinutuligsa ang mga kasalanan ng mga prayle noon.

60. Isang tanyag na Pilipinong manunulat na may sagisag-panulat na “Agap-ito Bagumbayan” si _____.
A. Graciano Lopez Jaena
B. N.V.M Gonzalez
C. Andres Bonifacio
D. Marcelo H. del Pilar

Comments

Popular posts from this blog

Professional Education

SOCIAL SCIENCE/SOCIAL STUDIES

PROFESSIONAL EDUCATION