LET REVIEW MATERIALS-GENERAL EDUCATION

📚GENERAL EDUCATION-FILIPINO📚

Review Material in #FILIPINO

150  Items with Answer Keys 

1. Ito ay isang sangay ng linggwistika na sumasaklaw sa pag-aaral ng kayarian o istruktura ng salita.

A. Ortograpiya C. Semantika

B. Morpolohiya D. Sintaks

Sagot: B-Morpolohiya. Ang ortograpiya ay nag-aaral sa wastong baybay ng mga salita. Ang semantika ay nag-aaral naman sa kahulugan ng salita samantalang ang sintaks ay nakapokus sa pag-aaral tungkol sa wastong pag-uugnay at pagsasaayos ng mga salita para makabuo ng isang pangungusap.

2. “Lumilindol.” Anong uri ito ng pangungusap na walang tiyak na paksa?

A. Temporal C. Penomenal

B. Eksistensyal D. Modal

Sagot: C-Ang penomenal na pangungusap ay nagpapakita ng pangyayaring pangkalikasan o

pangkapaligiran.

3. Ibigay ang panlapi na ginamit sa mga sumusunod na salita: kaligayahan, pagmamahalan,

pagkatiwalaan.

A. hulapi C. kabilaan

B. tambalan D. laguhan

Sagot: C-Kabilaan ang tawag sa dalawang panlapi na kinakabit sa isang salitang-ugat. Ang

kabilaan ay binubuo ng tatlong uri. Ito ay maaaring unlapi at gitlapi (isinulat), unlapi at hulapi

(kaligayahan), gitlapi at hulapi (sinamahan).

4. Anong bantas ang siyang inilalagay sa pagitan ng unlaping “ika” at “tambilang”?

A. tuldok C. kuwit

B. panaklong D. gitling

Sagot: D-Maliban sa pagitan ng unlaping “ika” at “tambilang”, ang gitling ay inilalagay sa pagitan

ng panlaping nagtatapos sa katinig at salitang –ugat na nagsisimula sa patinig (tag-araw, pag-

unlad), at sa pagitan ng panlapi at pangngalang pantangi (maka-Diyos, taga-Marikina).

5. Ayon kay Gleason, ang wika ay pinagkakasunduan ng isang lahi at kaya naman ay naunawaan

ng lahat ng kasapi ng lahi.

A. masistema C. likas

B. dinamiko D. arbitraryo

Sagot: D-Ang wika ay arbitraryo dahil ito ay pinagkakasunduan ng isang lahi.

6. Isang akda ni Padre Modesto de Castro na binubuo ng palitan ng liham ng dalawang magkapatid.

A. Urbana at Feliza C. Dasalan at Tocsohan

B. Barlaan at Josaphat D. Indarapatra at Sulayman

Sagot: A-Ang Urbana at Feliza ay isang akda ni Padre Modesto de Castro na naglalaman ng mga pangaral tungkol sa kagandahan asal at dapat ugaliin sa iba’t ibang pagkakataon.

7. Anong teorya ng wika ang nagsasabing ang wika ay nailikha bunga ng masidhing damdamin ng tao?

A. Bow-wow C. Ding-dong

B. Pooh-pooh D. Yoheho

Sagot: B- Ang Teoryang Pooh-pooh ay ang teorya ng wika na nagsasabing ang wika ay nailikha bunga ng masidhing damdamin ng tao gaya ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.

8. “Nahulog ang bata!” Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na ito?

A. padamdam C. payak

B. pasalaysay D. tambalan

Sagot: C-Ang payak na pangungusap ay isang uri ng pangungusap ayon sa kayarian na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa. Ang tambalan naman ay binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa. Ang pasalaysay at padamdam ay uri ng pangungusap ayon sa gamit.

9. Sa ponemang segmental, ano ang tinataglay ng mga salitang galaw, baliw, lamay, kahoy?

A. ponema C. diptonggo

B. klaster D. pares minimal

Sagot: C- Upang magkaroon ng diptonggo ang isang salita, hindi lang dapat magkasunod ang isang patinig at ang malapatinig na w o y, kung hindi, dapat din na ang dalawa ay magkasama sa iisang pantig (halimbawa: ga-law, ba-liw, la-may, ka-hoy).

10. Sa kasaysayan ng ating panitikan, ang kinikilalang Gintong Panahon ng Panitikan ng Pilipinas ay ang panahon ng ______.

A. Amerikano C. Kastila

B. Hapones D. Kontemporaryo

Sagot: B-Pinagbawal ng pamahalaang Hapon ang mga Pilipino sa pagsulat ng anumang akda sa Ingles kaya umusbong ang mga akdang naisulat sa wikang Filipino.

11. Alin sa mga sumusunod ay sadyang isinulat upang ibigkas sa harap ng madla?

A. anekdota C. talambuhay

B. pabula D. talumpati

Sagot: D-Ang talumpati ay isang halimbawa ng anyong tuluyan na binibigkas sa harap ng madla.

12. Kararating lang ni tatay mula sa trabaho. Ano ang aspekto ng pandiwa sa pangungusap?

A. pangnnagdaan C. panghinaharap

B. pangkasalukuyan D. katatapos

Sagot: D-Katatapos ang aspekto ng isang pandiwa kapag ang kilos ay bago lang natapos. Ito ay karaniwang nagsisimula sa unlaping ka- at inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat.

13. Anong titulo sa panitikan ng Pilipinas ang ibinigay sa manunulat ng akdang pinamagatang “Isang Dipang Langit”?

A. Makata ng Pag-ibig C. Makata ng Masa

B. Makata ng Manggagawa D. Ama ng Wikang Pambansa

Sagot: B-Ang may-akda ng “Isang Dipang Langit” na si Amado V. Hernandez ay tinaguriang ang “Makata ng Manggagawa”. Minsan din siyang naging lider ng isang labor union at pinagtanggol niya ang karapatan ng mga manggagawa.

14. Siya ay kilala bilang ang “dakilang mananalumpati” ng kilusang propaganda.

A. Graciano Lopez Jaena C. Marcelo H. Del Pilar

B. Jose Rizal D. Gregorio Del Pilar

Sagot: A- Ang Triumvirate ng Kilusang Propaganda ay sina Graciano Lopez Jaena, Jose Rizal at Marcelo H. Del Pilar. At ang tinagurian na “dakilang mananalumpati” ay si Graciano Lopez Jaena.

15. Sa pananaliksik, saang kabanata matatagpuan ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura?

A. Kabanata I C. Kabanata III

B. Kabanata II D. Kabanata IV

Sagot: B-May limang kabanata ang isang pananaliksik. Ito ay ang mga sumusunod: Kabanata I (Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito), Kabanata II (Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura), Kabanata III (Disenyo at Paraan ng Pananaliksik), Kabanata IV (Presentasyon at Interpretasyon ng mg Datos) at Kabanata V (Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon).

16. Isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na may pambihirang katangian.

A. epiko C. parabula

B. pabula D. dalit

Sagot: A-Epiko. Ang pabula ay tungkol sa kwento na ang nagsisiganap ay mga hayop, parabula ay mula sa Bibliya at ang dalit ay awit na pumupuri sa Diyos.

17.Alin sa mga sumusunod ang HINDI epiko ng Mindanao?

A. Bantugan C. Maragtas

B. Bidasari D. Indarapatra at Sulayman

Sagot: C-Ang Maragtas ay epiko ng mga Bisaya.

18. Sino ang may-akda ng Fray Botod?

A. Jose Garcia Villa C. Marcelo del Pilar

B. Graciano Lopez Jaena D. Jose Rizal

Sagot: B- Ang akdang “Fray Botod” ay isang akdang tumutuligsa sa kamangmangan at pagmamalabis ng mga prayle. Ito ay sinulat ni Graciano Lopez Jaena.

19. Isang Pilipinong manunulat na tanyag sa kanyang sagisag-panulat na Dimas-ilaw.

A. Jose dela Cruz C. Jose Corazon de Jesus

B. Anotonio Luna D. Emilio Jacinto

Sagot: D-Si Emilio Jacinto ay si “Dimas-ilaw” at siya ang kanang kamay ni Andres Bonifacio. Si Jose dela Cruz ay Huseng Sisiw, Antonio Luna ay Taga-ilog at Jose Corazon de Jesus ay Huseng Batute.

20. Isang tulang maromansa na kung saan nakaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan at hango sa tunay na buhay.

A. Moro-moro C. Awit

B. Epiko D. Korido

Sagot: C-May dalawang tulang maromansa sa Panitikang Filipino. Ito ay ang awit at korido. Ang awit ay makatotohanan dahil ito ay hango sa tunay na buhay (halimbawa: Florante at Laura). Ang korido ay di-makatotohanan dahil ang mga tauhan ay may kakayahang supernatural (halimbawa: Ibong Adarna).

21. Ang salitang “parak” ay nasa anong antas ng wika?

A. Jargon C. Kolokyal

B. Pidgin D. Balbal

Sagot: D-Kapag sinabing balbal, ito ay mga salita na ginagamit sa usapang kalye, pinakadinamiko at pinakamababa na antas ng wika. Sa balbal, kadalasan ay pinapalitan ang mga salita ng iba pang salita (pulis-parak) o di kaya ay binaliktad at dinagdagan ang baybay ng salita (hiya-dyahi).

22. Alin sa mga sumusunod na pangngalan ang HINDI tahas ?

A. pagkain C. lapis

B. gamot D. pag-asa

Sagot: D-Ang “pag-asa” ay isang pangngalang basal (pangngalang di-kongkreto, hindi nahihipo at hindi nakikita). Samantala, ang “pagkain”, “gamot”, at “lapis” ay mga pangngalang tahas (pangngalang kongkreto, materyal, nahihipo at nakikita).

23. Alin sa mga sumusunod ay isang pangngalang palansak?

A. pag-ibig C. bahay-kubo

B. Jose D. buwig

Sagot: D-Ang pangngalang palansak ay isang pangangalan na tumutukoy sa grupo o pangkat ng iisang uri ng tao, hayop o bagay (halimbawa: buwig, tropa, lahi).

24. Ang “pangarap” ay isang pangngalang _____.

A. pantangi C. tahas

B. palansak D. basal

Sagot: D-Ang “pangarap” ay isang pangngalang basal (pangngalang di-kongkreto, hindi nahihipo at hindi nakikita).

25. Hangarin nitong makapagbigay nang wasto at epektibong pakikipag-ugnayan gamit ang mga

sagisag pangwika?

A. talastasan C. talasanggunian

B. bokabularyo D. linggwistika

Sagot: A-Ang “talastasan” o kilala rin sa tawag na “komunikasyon” ay isang proseso ng pagpapalitan ng kasisipan gamit ang mga simbolong pangwika at may layuning makapagbigay ng matagumpay na pakikipag-ugnayan at pagkakaintindihan.

26. Nasa anong antas ng wika kabilang ang mga salitang tulad ng NASAN at PA’NO?

A. Pabalbal C. Panretorika

B. Kolokyal D. Pampanitikan

Sagot: B-Ang kolokyal ay binubuo ng mga salitang impormal na pinaikli katulad ng tatay-tay, mayroon-meron, saan-san.

27. Anong antas ng wika ang salitang DYAHI?

A. Jargon C. Kolokyal

B. Pidgin D. Balbal

Sagot: D-Kapag sinabing balbal, ito ay mga salita na ginagamit sa usapang kalye, pinakadinamiko at pinakamababa na antas ng wika. Sa balbal, kadalasan ay pinapalitan ang mga salita ng iba pang salita (pulis-parak) o di kaya ay binaliktad at dinagdagan ang baybay ng salita (hiya-dyahi).

28. Ang salitang “bana” ay halimbawa ng anong antas ng wika?

A. Sosyolek C. Lalawiganin

B. Pabalbal D. Idyolek

Sagot: C-Ang lalawiganin o dayalekto ay isang antas ng wika na nakabatay sa lugar o rehiyon (dimensyong heograpiko). Ang “bana” ay isang salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay “asawang lalaki”.

29.Anong uri ng pangungusap ang “Magandang araw po”?

A. Temporal C. Sambitla

B. Pormulasyong Panlipunan D. Pamanahon

Sagot: B-Ang “Pormulasyong Panlipunan” ay isang uri ng pangungusap na walang tiyak na paksa

na tumutukoy sa ekspresyon o pagbati na ginagamit sa pakikipagkapwa katulad ng “Magandang

Umaga!”, “Maraming Salamat!” at “Walang Anuman.”

30. Ito ay isang uri ng morpema ayon sa kahulugan na may kahulugan sa ganang sarili. Ito ay

nakakatayo ng mag-isa sapagkat may angkin itong kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba

pang morpema.

A. Morpemang Leksikal C. Malayang Morpema

B. Di-malayang Morpema D. Morpemang Pangkayarian

Sagot: A-Ang “Morpemang Leksikal” ay tinatawag ding morpemang pangnilalaman. Ito ay

nakakatayo ng mag-isa sapagkat may angkin itong kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba

pang morpema. Ang mga pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang-bay ay mga

morpemang leksikal.

31. Anong sangay ng linggwistika ang nakatuon sa tamang pagsasaayos ng mga salita para

makabuo ng isang pangungusap na nagsasaad ng buong diwa?

A. Ortograpiya C. Semantika

B. Morpolohiya D. Sintaks

Sagot: D-Sintaks. Ang ortograpiya ay nag-aaral sa wastong baybay ng mga salita. Ang semantika ay nag-aaral naman sa kahulugan ng salita samantala ang morpolohiya ay sumasaklaw sa pag-aaral ng kayarian o istruktura ng salita.

32. “Maraming Salamat.” Ito ay anong uri ng pangungusap?

A. Temporal C. Sambitla

B. Pormulasyong Panlipunan D. Pamanahon

Sagot: B-Ang “Pormulasyong Panlipunan” ay isang uri ng pangungusap na walang tiyak na paksa

na tumutukoy sa ekspresyon o pagbati na ginagamit sa pakikipagkapwa katulad ng “Magandang

Umaga!”, “Maraming Salamat!” at “Walang Anuman.”

33. Isang dulog pampanitikan na kilala sa katawagan na reader-response theory.

A. impresyonisya C. antropolohiya

B. patalambuhay D. pansikolohiya

Sagot: A-Ang impresyonista ay isang dulog pampanitikan na kung saan ang pagpapakahulugan sa isang tekstong binasa ay nakapokus sa sariling panlasa ng mambabasa at kilala rin sa katawagan na reader-response theory.

32. Ibigay ang panaguri sa pangungusap na nasa ibaba.

“Ang gatas ay mayaman sa sustansya.”

A. sustansya C. gatas

B. ang D. mayaman

Sagot: D-May dalawang bahagi ang isang pangungusap: simuno at panaguri. Ang simuno o paksa ay siyang pinag-uusapan sa pangungusap samantala ang panaguri ay ang nagsasabi kung ano ang ginagawa o ano tungkol ang simuno. Sa pangungusap sa itaas, “ang gatas” ang simuno at “mayaman” ang panaguri.

33. Tukuyin kung anong uri ng panlapi ang matatagpuan sa mga sumusunod na salita: kabutihan, pag-ipunan, magsuyuan.

A. hulapi C. kabilaan

B. tambalan D. laguhan

Sagot: C-Kabilaan ang tawag sa dalawang panlapi na kinakabit sa isang salitang-ugat. Ang kabilaan ay binubuo ng tatlong uri. Ito ay maaaring unlapi at gitlapi (isinulat), unlapi at hulapi (kaligayahan), gitlapi at hulapi (sinamahan).

34. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang talumpati na kung saan maagang ipinaalam ang mga kalahok tungkol sa ano ang paksa ng talumpati?

A. may kahandaan C. impromptu

B. biglaang talumpati D. di-handa

Sagot: A-Sa talumpating “may kahandaan”, ang talumpati ay talumpati binubuo ng isang paksa lamang at maagang ipinaalam ang mga kalahok tungkol sa nasabing paksa.

35. Anong bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos, galaw at pangyayari?

A. pangngalan C. pang-uri

B. panghalip D. pandiwa

Sagot: D-Pandiwa. Ang pangngalan ay nagsasaad ng pangalan ng tao, bagay, hayop o lugar. Ang panghalip naman ay siyang humahalili sa pangngalan at ang pang-uri ay naglalarawan ng pangngalan at panghalip.

36. Si Ana ay mabagal na naglakad papunta sa altar. Anong bahagi ng pananalita ang sinalangguhitang salita?

A. pang-ukol C. pang-uri

B. pang-abay D. pandiwa

Sagot: B-Pang-abay. Ang pang-abay ay naglalarawan ng pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. Sa pangungusap sa itaas, ang salitang “mabagal” ay naglalarawan sa salitang “naglakad” na isang pandiwa. Ginamit ang salitang “mabagal” bilang isang pang-abay na pamaraan.

37. Si Fe ay masaya sa kanyang kaarawan. Ang salitang “masaya” ay isang ______.

A. pang-ukol C. pang-uri

B. pang-abay D. pandiwa

Sagot: C-Pang-uri. Ang pang-uri ay naglalarawan ng pangngalan at panghalip. Sa pangungusap sa itaas, ang salitang “masaya” ay naglalarawan kay “Fe” na isang pangngalan.

38. Si Fe ay masayang naghihintay sa kanyang ina. Paano ginamit ang salitang sinalangguhitan sa pangungusap?

A. pang-ukol C. pang-uri

B. pang-abay D. pandiwa

Sagot: B-Pang-abay. Sa pangungusap sa itaas, ang nilalarawan ng salitang “masayang” ay ang salitang “naghihintay” hindi si “Fe”. At ang salitang “naghihintay” ay isang pandiwa kaya ang tamang sagot ay pang-abay.

39. “Tanghali na.” Anong uri ito ng pangungusap na walang tiyak na paksa?

A. Temporal C. Penomenal

B. Eksistensyal D. Modal

Sagot: A-Ang temporal na pangungusap ay nagpapakita ng oras o araw.

40. Anong sangay ng linggwistika ang nakatuon sa pag-aaral ng kahulugan ng tunog o ponema?

A. Ortograpiya C. Semantika

B. Morpolohiya D. Ponolohiya

Sagot: D-Ponolohiya. Ang ortograpiya ay nag-aaral sa wastong baybay ng mga salita. Ang semantika ay nag-aaral naman sa kahulugan ng salita samantala ang morpolohiya ay sumasaklaw sa pag-aaral ng kayarian o istruktura ng salita.

41. Sa pananaliksik, saang kabanata matatagpuan ang tungkol sa suliranin at ang kaligiran nito?

A. Kabanata I C. Kabanata III

B. Kabanata II D. Kabanata IV

Sagot: A-May limang kabanata ang isang pananaliksik. Ito ay ang mga sumusunod: Kabanata I (Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito), Kabanata II (Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura), Kabanata III (Disenyo at Paraan ng Pananaliksik), Kabanata IV (Presentasyon at Interpretasyon ng mg Datos) at Kabanata V (Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon).

42. Aling salita ang may diptonggo?

A. bawal C. bahay

B. sibuyas D. lahat ng nabanggit

Sagot: C- Upang magkaroon ng diptonggo ang isang salita, hindi lang dapat magkasunod ang isang patinig at ang malapatinig na w o y, kung hindi, dapat din na ang dalawa ay magkasama sa iisang pantig (halimbawa: ga-law, ba-liw, la-may, ka-hoy).

43. Siya ay kilala sa kanyang sagisag-panulat na Huseng Sisiw.

A. Julian Cruz Balmaceda C. Florentino Collantes

B. Jose Corazon de Jesus D. Jose dela Cruz

Sagot: D-Si Jose Dela Cruz ang guro ni Francisco Balagtas. Tinawag siyang Huseng Sisiw dahil sa tuwing may magpapagawa sa kanya ng tula, ang hihingin niya na kabayaran ay hindi pera kundi isang sisiw.

44. Ano ang pamagat ng ating pambansang awit?

A. Bayang Magiliw C. Alab ng Puso

B. Perlas ng Silanganan D. Lupang Hinirang

Sagot: D- “Lupang Hinirang” ang pamagat ng ating pambansang awit at hindi “Bayang Magiliw”. Si Jose Palma ang sumulat sa titik nito at nilapatan ng musika ni Julian Felipe.

45. Nagpupuyos sa galit ang kanyang ina nang malaman nito ang pagbubulakbol sa klase.

A. inis na inis sa galit C. na-ngingitngit sa galit

B. nagbubuhos ng galit D. nakikimkim ng galit

Sagot: C- Ang nagpupuyos sag alit ay isang idyoma na ang ibig sabihin ay na-ngingitngit sa galit.

46. “Kumakain ng prutas si Jherame”. Ibigay ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap.

A. ganapan C. tagaganap

B. sanhi D. tagatanggap

Sagot: C- Ang paksa na si “Jherame” ang siyang gumaganap sa kilos na “kumakain” kaya ang pokus ng pandiwa ay pokus sa tagaganap o aktor.

47. Hayun ang mga bata na masayang naglalaro. Ang salitang hayun ay isang _______.

A. pang-abay C. pangngalan

B. pang-angkop D. panghalip

Sagot: D- Ang hayun ay isang panghalip pamatlig. Iba pang halimbawa ng panghalip pamatlig ay ang mga sumusunod : doon, diyan at dito.

48. “Pinagbakasyunan nina Jhera at Tonton ang Camotes”. Ano ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap?

A. ganapan C. tagaganap

B. sanhi D. tagatanggap

Sagot: A- Ang paksa na “ang Camotes” ay ang lugar kung saan naganap ang kilos na “pinagbakasyunan” kaya ang pokus ng pandiwa ay pokus sa ganapan.

49. Alin sa mga salita sa ibaba ang nasa kayariang KPPKKPKPKP?

A. kasaysayan C. katapangan

B. heograpiya D. klastering

Sagot: B-Ang heograpiya ay nasa kayariang KPPKKPKPKP. Sa pagtukoy ng kayarian, ginagamit ang simbolong P para sa patinig at K para sa katinig.

50. “Ipinagluto ng kanyang asawa si Jestoni”. Ano ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap?

A. ganapan C. tagaganap

B. sanhi D. tagatanggap

Sagot: D-Ang paksa na “si Jestoni” ay ang tagatanggap ng kilos na “ipinagluto” kaya ang pokus ng pandiwa ay pokus sa tagatanggap.

51. Sino ang may-akda ng Dasalan at Tocsohan?

A. Graciano Lopez Jaena C. Andres Bonifacio

B. N.V.M. Gonzalez D. Marcelo H. del Pilar

Sagot: D-Ang Dasalan at Tocsohan ay akda ni del Pilar. Ito ay kahawig ng mga dasal na itinuturo ng mga prayle sa mga Pilipino. Sa dasal na ito, lantaran niyang tinutuligsa ang mga kasalanan ng mga prayle noon.

52. Isang tanyag na Pilipinong manunulat na may sagisag-panulat na “Agap-ito Bagumbayan”.

A. Graciano Lopez Jaena C. Andres Bonifacio

B. N.V.M. Gonzalez D. Marcelo H. del Pilar

Sagot: C-Iilan sa kilalang sagisag-panulat ni Bonifacio ay ang mga ss. : May Pag-asa, Magdiwang at Agap-ito Bagumbayan.

53. Isang awiting bayan na tungkol sa pakikipagkaibigan.

A. sambotani C. daeleng

B. salagintok D. oyayi

Sagot: B-Ang sambotani ay awit sa tagumpay, ang daeleng ay sa pista at oyayi ay sa pagpapatulog ng bata.

54. Sino si Dolores Manapat?

A. Graciano Lopez Jaena C. Andres Bonifacio

B. N.V.M. Gonzalez D. Marcelo H. del Pilar

Sagot: D-Iilan sa mga sagisag panulat ni del Pilar ay ang mga ss. : Plaridel, Piping Dilat at Dolores Manapat.

55. Isang tulang maromansa na kung saan ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural at kaya naman ito ay hindi kapani-paniwala.

A. oda C. soneto

B. korido D. elehiya

Sagot: B-Ang oda, soneto at elehiya ay hindi tulang maromansa. Ang mga ito ay mga tulang liriko.

56. Ito ay isang tulang patnigan at hango sa isang alamat ng isang dalagang naghulog ng singsing sa dagat at ang sinumang binatang makakakita nito ay siyang pakakasalan ng dalaga.

A. panubong C. elehiya

B. karagatan D. oda

Sagot: B- Ang oda, panubong at elehiya ay hindi tulang patnigan. Ang mga ito ay mga tulang liriko.

57. Sino ang may akda ng awiting ang “Bayan Ko”?

A. Constancio De Guzman C. Dolores Manapat

B. Jose Corazon de Jesus D. Jomapa

Sagot: B-Ang “Bayan Ko” ay sinulat ni Jose Corazon de Jesus at nilapatan ng musika ni Constancio De Guzman.

58. Isang manunulat sa panahon ng Amerikano na nagging tanyag sa kanyang tulang “Ang Guryon”.

A. Ildefonso Santos C. Alejandro Abadilla

B. Amado Hernandez D. Teodor Gener

Sagot: A-Si Ildefonso Santos ay napabantog dahil sa kanyang tulang “Ang Guryon” at ang kanyang naging sagisag panulat ay “Ilaw Silangan”.

59. Siya ang “Ama ng Maikling Kwento sa Pilipinas”.

A. Jose Garcia Villa C. Aurelio Tolentino

B. Deogracias Rosario D. Zulueta de Costa

Sagot: B-Si Deogracias Rosario ay ang “Ama ng Maikling Kwento sa Pilipinas” at iilan sa kanyang mga akda ay ang mga ss. : Walang Panginoon, Ang Geisha at Dahil sa Pag-ibig.

60. Isang dula na sumikat nang humina ang zarzuela sa Pilipinas. Ito ay tinatawag ding stage show sa Ingles.

A. bodabil C. karagatan

B. duplo D. korido

Sagot: A-Taong 1916 ipinakilala ang bodabil sa Pilpinas. Ito ay isang uri ng dula na pinaghalu-halong awitan, sayawan, drama at katatawanan.

61. Isang epiko tungkol sa kasaysayan ng pag-iibigan ng mga bathala mula sa Iloilo, Antique at Aklan.

A. Hinilawod C. Bidasari

B. Biag-ni-Lam-ang D. Maragtas

Sagot: A- Ang Hinilawod ang tinuturing na pinakamahaba at pinakamatandang epiko ng Panay.

62. Siya ay kilala bilang ang “dakilang manunulat” ng kilusang propaganda.

A. Graciano Lopez Jaena C. Marcelo H. Del Pilar

B. Jose Rizal D. Gregorio Del Pilar

Sagot: B- Ang Triumvirate ng Kilusang Propaganda ay sina Graciano Lopez Jaena, Jose Rizal at Marcelo H. Del Pilar. At ang tinaguriang ang “dakilang manunulat” ay si Jose Rizal.

63. Alin sa mga sumusunod na titik ng Alpabetong Filipino ay isang hiram?

A. y C. c

B. b D. ng

Sagot: C- Ang titik na c ay mula sa Alpabetong Ingles.

64. Anong teorya ng wika ang nagsasabing ang wika ay nailikha bunga ng masidhing damdamin ng tao?

A. Bow-wow C. Ding-dong

B. Pooh-pooh D. Yoheho

Sagot: B- Ang Teoryang Pooh-pooh ay ang teorya ng wika na nagsasabing ang wika ay nailikha bunga ng masidhing damdamin ng tao gaya ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.

65. “Katoliko ba ang Santo Papa?”

Ang pahayag sa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?

A. Pagdaramdam C. Pagtanggi

B. Tanong Retorikal D. Pagsalungat

Sagot: B- Ang Tanong Retorikal ay isang tanong na may pangunahing layunin na makuha ang atensyon ng mambabasa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tanong na hindi naman kailangang bigyan ng kasagutan.

66. Bakit Tagalog ang siyang napiling batayan ng kauna-unahang wikang pambansa sa Pilipinas? 

A. Dahil sa ito ang ginagamit ng mga taga-Manila kung saan naman matatagpuan ang kabisera ng Pilipinas.

B. Dahil sa ito ay binubuo ng mga kaakit-akit na mga salita at bokabularyo

C. Dahil sa ito ay tinatanggap at ginagamit na ng mas nakararaming Pilipino.

D. A at C

Sagot: C- Maliban sa napatunayan na ang wikang Tagalog ay ang may pinakamaunlad na kayarian, mekanismo at literatura, pinili ang Tagalog bilang batayan ng kauna-unahang wikang pambansa dahil sa ito ay tinatanggap at ginagamit na ng mas nakararaming Pilipino.

67. Ilan lahat ang hiram na titik ng Alpabetong Filipino?

A. 6 C. 8

B. 7 D. 9

Sagot: C- Walo ang hiram na titik ng Alpabetong Filipino mula sa mga banyagang Alpabeto: c, f, j, ñ, q, v, x at z .

68. Ano ang naging pangalan ng wikang pambansa noong 1959?

A. Pilipino C. Tagalog

B. Filipino D. Wikang Pambansa

Sagot: A-Pinaikli ang pangalan ng naunang wikang pambansa noong taong 1939 at ito ay naging Pilipino sa taong 1959.

69. Isang awiting bayan na ginamit sa pagpapatulog ng bata.

A. diona C. soliranin

B. oyayi D. umbay

Sagot: B-Ang diona ay para sa panliligaw, soliranin para sa paggaod ng bangka at umbay para sa paglilibing.

70. “Ang palasyo ay nag-anunsyo na walang pasok bukas.”

Ano ang tayutay ang ginamit sa pahayag sa itaas?

A. Pagpapalit-saklaw C. Pagtanggi

B. Pagpapalit-tawag D. Pagsalungat

Sagot: B-Ang pagpapalit-tawag ay ang paggamit ng isang pangalan upang tukuyin ang isa pang pangalan na pinapalitan nito. Sa itaas, ang palasyo ay ginamit na tumutukoy naman sa president ng Pilipinas.

71. “Apat na mga mata ang tumititig sa kanya.”

Ano ang tayutay ang ginamit sa pahayag na ito?

A. Pagpapalit-saklaw C. Pagtanggi

B. Pagpapalit-tawag D. Pagsalungat

Sagot: A-Ang pagpapalit-saklaw ay ang pagbanggit ng isang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan. Sa itaas, ang apat na mata ay ginamit na tumutukoy naman sa dalawang tao.

72. “San ba siya nakatira?” Ano ang antas ng wikang nakasalangguhit?

A. kolokyal C. balbal

B. pambansa D. lalawiganin

Sagot: A- Ang kolokyal ay isang halimbawa ng impormal na antas ng wika na kung saan pinapaikli ang isang salita mula sa orihinal na salita.

73. Ang “Maupay na Aga!” ng mga taga Samar ay halimbawa ng anong antas ng wika?

A. kolokyal C. balbal

B. pambansa D. lalawiganin

Sagot: D-Waray-waray ang tawag sa dayalekto sa mga taga-Samar. Ang ibang katawagan ng dayalekto ay lalawiganin. Ang dayalekto o lalawiganin ay isang barayti ng wika na tumutukoy sa isang wika na sinasalita sa isang pook, rehiyon o lugar.

74. Ang “Hindi po namin kayo tatantanan” at “Dahil hindi natutulog ang balita 24 oras” ay mga tanyag na pahayag ni Mike Enriquez sa telebisyon. Sa anong barayti ng wika ito naiuuri?

A. Jargon C. Sosyolek

B. Dayalekto D. Idyolek

Sagot: D-Ang idyolek ay isang barayti ng wika na kung saan iba ang wika ng bawat isa dahil ang bawat tao ay may kanya-kanyang personal na paraan sa paggamit nito.

75. “Neneng ang pangalan ng aking ermat.” Ano ang antas ng wikang nakasalangguhit?

A. kolokyal C. balbal

B. pambansa D. lalawiganin

Sagot: C- Ang balbal ang pinakamababang antas ng wika. Ito ay kadalasang ginagamit sa usapang kalye.

76. Ano ang tamang ispeling ng salitang barbershop sa Filipino?

A. barbersyap C. barbershap

B. barbershop D. barbersiyap

Sagot: B- Ang mga salitang may digrapong sh ay pinananatili na lamang sa orihinal na anyo.

77. Isang kwento hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban at kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa.

A. pabula C. mitolohiya

B. parabula D. anekdota

Sagot: C- Ang pabula ay tungkol sa kwento na ang nagsisiganap ay mga hayop, parabula ay mula sa Bibliya at ang anekdota ay mga pangyayari na hango sa tunay na buhay, karanasan at kapupulutan ng aral.

78. Isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na may pambihirang katangian.

A. epiko C. parabula

B. pabula D. dalit

Sagot: A- Ang pabula ay tungkol sa kwento na ang nagsisiganap ay mga hayop, parabula ay mula sa Bibliya at ang dalit ay awit na pumupuri sa Diyos.

79. Alin sa apat na uri ng akdang pampanitikan na patula ay tungkol sa pangangatwiran at tagisan ng talino?

A. tulang pasalaysay C. tulang padula

B. tulang patnigan D. tulang liriko

Sagot: B-Ang tulang patnigan ay isang uri ng pagtatalong patula na itinatanghal ng mga natutunggaling makata.

80. “Ikaw ang aking mahal”. Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.

A. payak C. karaniwan

B. tambalan D. di-karaniwan

Sagot: D-Di-karaniwan ang ayos ng isang pangungusap kung nauna ang simuno kaysa sa panaguri.

81. Ang may-akda ng “Kahapon, Ngayon at Bukas”?

A. Aurelio Tolentino C. Alejandro Abadilla

B. Juan Abad D. Severino Reyes

Sagot: A-Ang “Kahapon, Ngayon at Bukas” ay isang akda ni Aurelio Tolentino. Ito ay sumikat sa taong 1903 at tungkol sa pagtutuligsa ng mga Amerikano.

82. Siya ang sumulat ng dulang ang “Tanikalang Ginto” na kung saan inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulang ito at dinakip ang may-akda.

A. Aurelio Tolentino C. Alejandro Abadilla

B. Juan Abad D. Severino Reyes

Sagot: B-Ang “Tanikalang Ginto” ay isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at sedisyoso.

83. Ang mga sumusunod ay mga nobela ni Lualhati Bautista MALIBAN sa______.

A. Dekada ‘70 C. Gapo

B. Satanas sa Lupa D. Bulaklak ng City Jail

Sagot: B- Ang Satanas sa Lupa ay akda ni Celso Al Carunungan.

84. Isang batikan at kilalang feministang manunulat na kung saan ang kanyang akda ay nakapokus sa mga kababaihan. Siya ang may-akda ng “Bata, Bata, Paano ka Ginawa?”

A. Estrella Alfon C. Fausto Galauran

B. Lualhati Bautista D. Gervacio Santiago

Sagot: B-Iilan sa mga kilalang akda ni Lualhati Bautista ay ang mga sumusunod: Dekada ’70, “Nena” at “Bata, Bata, Paano ka Ginawa?”.

85. Ito ay isang kwento tungkol sa pagpapadala ng prinsipe sa kanyang kapatid na lalaki upang patayin ang mga halimaw sa kabilang bundok. Ito ang tinaguriang alamat ng Mindanao.

A. Alim C. Indarapatra at Sulayman

B. Hudhud D. Wala sa Nabanggit

Sagot: C-Ang Alim at Hudhud ay epiko ng mga Ifugao.

86. Handa ng lumisan ang taong “amoy lupa” nang malaman niyang nasa maayos na nakalagayan ang mga anak nito.Ang pariralang “amoy lupa” ay nagsasaad ng anong antas ng wika?

A. kolokyal C. balbal

B. pambansa D. pampanitikan

Sagot: D-Ang amoy lupa ay isang idyoma na ang ibig sabihin ay matanda na at malapit ng mamatay. Ang isang idyoma ay nasa antas pampanitikan.

87. Isang epiko ng mga bisaya na tungkol sa kalipunan ng mga kautusan ng pamahalaan. Gaya ng “Kodigo ni Kalantiyaw” ng tribu ng Aklan.

A. Bantugan C. Bidasari

B. Lagda D. Darangan

Sagot: B-Ang Bantugan, Bidasari at Darangan ay mga epiko ng mga Muslim.

88. Siya ang may-akda ng dulang ang “Dalagang Bukid”.

A. Hermogenes Ilagan C. Alejandro Abadilla

B. N.V.M. Gonzalez D. Patricio Mariano

Sagot: A-Si Hermogenes Ilagan ang may-akda ng dulang ang “Dalagang Bukid” na siyang nagging batayan ng awiting panzarsuela.

89. Sino ang may-akda ng Fray Botod?

A. Jose Garcia Villa C. Marcelo del Pilar

B. Graciano Lopez Jaena D. Jose Rizal

Sagot: B- Ang akdang “Fray Botod” ay isang akdang tumutuligsa sa kamangmangan at pagmamalabis ng mga prayle. Ito ay sinulat ni Graciano Lopez Jaena.

90. Isang awiting bayan na tungkol sa paglilibing.

A. umbay C. sambotani

B. kundiman D. soliranin

Sagot: A-Ang kundiman ay tungkol sa pag-ibig, sambotani sa tagumpay at soliranin sa paggaod ng Bangka.

91. Alin sa mga sumusunod ay HINDI tulang pasalaysay?

A. Moro-moro C. Awit

B. Epiko D. Korido

Sagot: A-Ang moro-moro ay isang tulang padula na nagpapakita ng hidwaan ng mga Kristyano at ng mga Di-Kristyano

92. Alin sa mga tula sa ibaba ang isang tulang liriko?

A. Panunuluyan C. Pastoral

B. Duplo D. Balagtasan

Sagot: C-Ang pastoral ay isang tulang liriko na naglalayong ilarawan o ipahayag ang tunay na buhay sa kabundukan.

93. Isang tulang maromansa na kung saan nakaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan at hango sa tunay na buhay.

A. oda C. soneto

B. awit D. elehiya

Sagot: B-Ang oda, soneto at elehiya ay hindi tulang maromansa. Ang mga ito ay mga tulang liriko.

94. Alin sa mga sumusunod ang HINDI epiko ng Bisaya?

A. Lagda C. Bidasari

B. Maragtas D. Hinilawod

Sagot: C-Ang Bidasari ay epiko ng mga Muslim.

95. Ang tinaguriang pinakasikat na epiko ng mga Ilokano.

A. Ibalon at Aslon C. Hinilawod

B. Bantugan D. Biag ni Lam-ang

Sagot: D-Ang Biag ni Lam-ang ay isang tanyag na epiko ng mga Ilokano bago pa man dumating ang mga Kastila subalit nasulat lamang ito noong dakong dantaong labimpito. Ito ay akda ni Pedro Bukaneg.

96. Isang epiko na tungkol sa mga bathalang Ifugao ni Punholdayan at Makanungan. Tinutukoy rito ang pagpapakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan.

A. Haraya C. Hari sa Bukid

B. Alim D. Lagda

Sagot: B-Ang Haraya, Hari sa Bukid at Lagda ay mga epiko ng mga Bisaya.

97. Alin sa mga sumusunod ay isang epiko ng mga Ifugao?

A. Ibalon at Aslon C. Biag ni Lam-ang

B. Hudhud D. Haraya

Sagot: B-Ang Hudhud ay isang epiko ng mga Ifugao na tungkol sa mga buhay at pakikipagsapalaran ng mga dakilang bayani ng Ifugao na ang tanging bida ay si Aliguyan.

98. Isang manunulat sa wikang Kastila na may sagisag panulat na Batikuling at nahirang na Makatang Laureado.

A. Jesus Balmori C. Alejandro Abadilla

B. N.V.M. Gonzalez D. Zulueta de Costa

Sagot: A-Si Jesus Balmori ay nahirang na Makatang Laureado dahil tinalo niya si Manuel Bernabe sa balagtasan ng wikang Kastila.

99. Ang kauna-unahang nobelang sinulat ng isang Pilipino gamit ang wikang Ingles.

A. The Wound and Stars C. Like the Molave

B. A Child of Sorrow D. A Vision of Beauty

Sagot: B-Ang “A Child Of Sorrow” ay isang akda ni Zoilo Galang.

100. Isang Cebuana na ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles bago makadigma.

A. Estrella Alfon C. Dolores Manapat

B. N.V.M. Gonzalez D. Jomapa

Sagot: A-Si Estrella Alfon ay ipinanganak sa San Nicolas, Cebu at nagwagi ng mga karangalan mula sa maikling kwento at dula sa Free Press, Carlos Palanca Award at iba pa.

101. Sino ang may-akda ng maikling kwento na “Kwento ni Mabuti”?

A. Estrella Alfon C. Genoveva Matute

B. Deogracias Rosario D. Lualhati Bautista

Sagot: C-Si Genoveva Matute ay ang may-akda ng “Kwento ni Mabuti”. Ito ay tungkol sa buhay ng isang karaniwang guro na may suliranin sa buhay ngunit ito ay hindi naging sagabal sa kanyang tapat na paglilingkod.

102. Aling salita ang may klaster?

A. bulsa C. trabaho

B. bistado D. kahoy

Sagot: C-Upang magkaroon ng klaster ang isang salita, hindi lang dapat magkasunod ang dalawa o higit pa na katinig, kung hindi, dapat din na nasa iisang pantig ang nasabing magkasunod na katinig.

103. “Ikaw ay may pusong bato”. Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.

A. payak C. karaniwan

B. tambalan D. di-karaniwan

Sagot: D-Di-karaniwan ang ayos ng isang pangungusap kung nauna ang simuno kaysa sa panaguri.

104. Aling salita ang may diptonggo?

A. buwal C. patay

B. bayan D. iwas

Sagot: C-Upang magkaroon ng diptonggo ang isang salita, hindi lang dapat magkasunod ang isang patinig at ang malapatinig na w o y, kung hindi, dapat din na ang dalawa ay nasa iisang pantig.

105. Siya ang may-akda ng maikling kwento na “Uhaw ang Tigang na Lupa”.

A. Liwayway Arceo C. Genoveva Matute

B. Lualhati Bautista D. Estrella Alfon

Sagot: A- Si Liwayway Arceo ang may-akda ng kwentong “Uhaw ang Tigang na Lupa”. Ito ay tungkol sa kwento ng mga taong uhaw sa pag-ibig at silang lahat ay maihahambing sa tigang na lupa na nauuhaw sa patak ng ulan.

106. “Hindi ko kaya ang mabuhay sa mundo kung mawawala ka sa piling ko.”

Ang nasa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?

A. Pagtutulad C. Pagwawangis

B. Pagmamalabis D. Pagsasatao

Sagot: B-Ang pagmamalabis o hyperbole ay pageeksaherada o pagmamalabis sa isang kalagayan at kaya naman ay nagiging hindi kapani-paniwala.

107. Alin sa mga sumusunod na titik ng Alpabetong Filipino ay isang hiram?

A. g C.q

B. k D. ng

Sagot: C- Ang titik na q ay mula sa Alpabetong Ingles.

108. Ikinalulungkot ko ang mga kalamidad na dumating sa Pilipinas sa taong ito. Ang kaganapan ng pandiwang nakasalangguhit sa pangungusap ay ______.

A. ganapan C. tagaganap

B. sanhi D. tagatanggap

Sagot: B-Ang paksa na “ang mga kalamidad na dumating sa Pilipinas ” ay siyang dahilan o sanhi kung bakit nangyayari ang pandiwa na “ikinalulungkot”.

109. Si Janeth Napolesya ay naglulubid ng buhangin. Ang pariralang “naglulubid ng buhangin” ay nagsasaad ng anong antas ng wika?

A. kolokyal C. balbal

B. pambansa D. pampanitikan

Sagot: D-Ang naglulubid ng buhangin ay isang idyoma na ang ibig sabihin ay nagsisinungaling. Ang isang idyoma ay nasa antas pampanitikan.

110. Ang Alibata ay hango sa alpabetong Arabo na “alif-ba-ta”. Ito ay may 17 titik: 3 patinig at 14 na katinig. Ano ang ibang tawag sa alibata?

A. Baybayin C. Diona

B. Cuneiform D. Abecedario

Sagot: A- Ito ang pinakaunang sistema ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino

111. Sino si Herninia dela Riva sa tunay na buhay?

A. Ildefonso Santos C. Alejandro Abadilla

B. Amado Hernandez D. Teodor Gener

Sagot: B- Ang mga sagisag panulat ni Amado Hernandez ay ang mga sumusunod: Amante Ernani, Julio Abril at Herninia dela Riva.

112. Alin sa mga sumusunod na akda ni Aurelio Tolentino ang siyang naging sanhi ng kanyang pagkakakulong?

A. Luhang Tagalog C. Bagong Kristo

B. Kahapon, Ngayon at Bukas D. Manood Kayo

Sagot: B-Ang “Kahapon, Ngayon at Bukas” ay isang protesta sa pamamalakad ng mga Amerikano, isang pagbabanta at paghamon ng paglalaban.

113. Siya ang may-akda ng “Ninay”.

A. Pedro Paterno C. Jomapa

B. Emilio Jacinto D. Isabelo delos Reyes

Sagot: A- Si Pedro Paterno ay ang may-akda ng Ninay . Ang Ninay ay ang kauna-unahang nobelang Panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang Pilipino.

114. Alin sa mga sumusunod ay HINDI uri ng pangungusap ayon sa gamit?

A. padamdam C. pautos

B. langkapan D. patanong

Sagot: B-Ang langkapan ay uri ng pangungusap ayon sa kayarian.

115. Sino ang may-akda ng nobelang Banaag at Sikat?

A. Jose dela Cruz C. Jose Corazon de Jesus

B. Lope K. Santos D. Emilio Jacinto

Sagot: B-Si Lope K. Santos ay isang tanyag na Pilipinong manunulat at tinaguriang “Ama ng Balarilang Tagalog”.

116. Isang Pilipinong manunulat na may sagisag panulat na Dimas-ilaw.

A. Jose dela Cruz C. Jose Corazon de Jesus

B. Anotonio Luna D. Emilio Jacinto

Sagot: D-Si Jose dela Cruz ay Huseng Sisiw, Antonio Luna ay Taga-ilog at Jose Corazon de Jesus ay Huseng Batute.

.

117. May sagisag panulat na Paralitiko at ang tinaguriang “Utak ng Himagsikan”.

A. Emilio Jacinto C. Jose Corazon de Jesus

B. Anotonio Luna D. Apolinario Mabini

Sagot: D-Si Apolinario Mabini ay tinaguriang “Utak ng Himagsikan” . Siya ang kanang kamay ni Emilio Aguinaldo.

118. Isang satirikong bersyon ni Del Pilar sa akdang sinulat ni Padre Jose Rodriguez na may ganito ring pamagat.

A. Caiingat Cayo C. Fray Botod

B. Dasalan at Tocsohan D. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas

Sagot: A-Ang Caiingat Cayo ay isang akdang isinulat ni Del Pilar na nagtatanggol sa Noli Me Tangere ni Rizal. Ito ay sagot sa Caiingat Cayo ni Padre Jose Rodriguez.

119. “Meron akong nalalaman. ‘Di ko sasabihin sa iyo.” Nasa anong antas ng wika ang mga salitang nakasalangguhit?

A. kolokyal C. pampanitikan

B. balbal D. lalawiganin

Sagot: A- Ang kolokyal ay isang halimbawa ng impormal na antas ng wika na kung saan pinapaikli ang isang salita mula sa orihinal na salita.

120. Ito ang pinakaunang sistema ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino.

A. Alibata C. Diona

B. Cuneiform D. Abecedario

Sagot: A- Ang Alibata ay hango sa alpabetong Arabo na “alif-ba-ta”. Ito ay may 17 titik: 3 patinig at 14 na katinig.

121. Ano ang tamang salin sa idyomang “You are the apple of my eye”?

A. masayahin ka pala C. katuwa-tuwa ka

B. ikaw ay mahalaga sa akin D. mansanas ang paborito ko

Sagot: B-Ang idyomang “you are the apple of my eye” ay nangangahulugang ikaw ay mahalaga

sa akin.

122. Sa ponemang segmental, ano ang tinataglay ng mga salitang sabaw, giliw, damay, reyna?

A. ponema C. diptonggo

B. klaster D. pares minimal

Sagot: C-Upang magkaroon ng diptonggo ang isang salita, hindi lang dapat magkasunod ang isang patinig at ang malapatinig na w o y, kung hindi, dapat din na ang dalawa ay magkasama sa iisang pantig (halimbawa: ga-law, ba-liw, la-may, ka-hoy).

123. Ano ang tawag sa uri ng wika na nailikha sa pamamagitan ng pagpapaikli o pagsasama-sama ng mga salitang impormal at binigyan ng buong kahulugan?

A. kolokyal C. panlalawigan

B. lokal D. pampanitikan

Sagot: A-Ang kolokyal ay binubuo ng mga salitang impormal na pinaikli (halimbawa: tatay-tay, mayroon-meron, saan-san) o pagsasama-sama ng mga salitang impormal at binigyan ng buong kahulugan (halimbawa: tapa+sinangag+itlog=itlog, maghintay+ka=teka).

124. Ano ang tawag sa bantas na sinisimbolo ng sunod-sunod na tatlong tuldok para ipakita na may mga bahaging hindi na sinipi sa isang talata?

A. synopsis C. sintesis

B. Ellipsis D. abstrak

Sagot: B-Ang ellipsis ay isang bantas na binubuo ng sunod-sunod na tatlong tuldok para ipakita na may mga bahaging hindi na sinipi sa isang talata.

125. “May pag-asa.” Anong uri ito ng pangungusap na walang tiyak na paksa?

A. Temporal C. Penomenal

B. Eksistensyal D. Modal

Sagot: B-Ang eksistensyal na pangungusap ay nagpapakita ng pagka-mayroon o pagkawala.

126. Sa pananaliksik, saang kabanata matatagpuan ang presentasyon at interpretasyon ng mga datos?

A. Kabanata V C. Kabanata III

B. Kabanata IV D. Kabanata II

Sagot: B-May limang kabanata ang isang pananaliksik. Ito ay ang mga sumusunod: Kabanata I (Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito), Kabanata II (Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura), Kabanata III (Disenyo at Paraan ng Pananaliksik), Kabanata IV (Presentasyon at Interpretasyon ng mg Datos) at Kabanata V (Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon).

127. Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang salik sa pagtatalumpati MALIBAN sa ____.

A. okasyon C. tagapakinig

B. pagyayabang D. paksa

Sagot: B-Ang pagyayabang ay hindi isa sa mahalagang salik sa pagtatalumpati. Ito ay isang maling ugali na dapat iwasan ng isang mahusay na mananalumpati.

128. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pagpapalitan ng kaisipan, opinyon o salaysay gamit ang mga

simbolo o sagisag.

A. pakikinig C. talastasan

B. pagtuklas D. paglalahad

Sagot: C-Ang “talastasan” o kilala rin sa tawag na “komunikasyon” ay isang proseso ng pagpapalitan ng kasisipan gamit ang mga simbolong pangwika at may hangaring makapagbigay ng matagumpay na pakikipag-ugnayan at pagkakaintindihan.

129. Anong bahagi ng pahayagan ang nagpapakita ng opinyon ng buong pahayagan hinggil sa isang napapanahong balita?

A. editoryal C. pahayag ng tagapayo

B. kolum D. abstrak

Sagot: A-Ang editoryal ay kilala rin sa tawag na pangulong tudling. Ito ang bahagi ng pahayagan na nagpapakita ng opinyon ng buong pahayagan hinggil sa isang napapanahong balita. Samantala, ang kolum naman ay ang bahagi ng pahayagan na nagpapakita ng opinyon ng isang manunulat o kolumnista hinggil sa isang isyu o balita.

130. Isang Pilipinong manunulat na tinaguriang “Utak ng Katipunan”.

A. Jose dela Cruz C. Jose Corazon de Jesus

B. Anotonio Luna D. Emilio Jacinto

Sagot: D-Si Emilio Jacinto ang “Utak ng Katipunan” at siya ang kanang kamay ni Andres Bonifacio. Siya rin ang gumawa ng Kartilya ng Katipunan.

.

131. Anong bantas ang siyang ginagamit sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkaka-uri?

A. kuwit C. gitling

B. tuldok-kuwit D. tutuldok

Sagot: A-Ang kuwit ang siyang tamang bantas na gagamitin paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkaka-uri. Ginagamit din ang kuwit sa pagsusulat ng petsa at address.

132. Ano ang wastong pagpapakahulugan sa idyomang “My bank account is in the red”?

A. nakapa-ipon C. nanakawan nang pera

B. malapit nang maubos D. bale-wala

Sagot: B. Ang idyomang “My bank account is in the red” ay nangangahulugan na malapit ng maubos ang pera.

133. Sa panitikan, ano ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod ng isang tula?

A. sukat C. talinghaga

B. saknong D. tugma

Sagot: A-Sukat. Ang saknong ay tumutukoy sa bawat grupo ng mga taludtod sa isang tula. Ang talinghaga naman ay ang malalim na pagpapakahulugan at pag-uunawa sa mensahe ng tula. At ang tugma ay ang pagkakapareho ng tunog sa huling pantig sa bawat huling salita ng isang tula.

134. Ito ay tumutukoy sa instrumento ng komunikasyon na siyang ginagamit sa pakikipagtalastasan, ugnayan at pagpapalitan ng kaisipan.

A. tunog C. bokabolaryo

B. wika D. sining

Sagot: B-Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo at nakabatay sa isang kultura. Ito ang instrument ng komunikasyon.

135. Isang barayti ng wika na tumutukoy sa wikang nalilikha batay sa dimensyong heograpiko.

A. Etnolek C. Sosyolek

B. Ekolek D. Dayalekto

Sagot: D- Ang dayalekto o lalawiganin ay ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ito ay nalilikha batay sa dimensyong heograpiko. Halimbawa ng mga dayalekto ay Hiligaynon (sa Iloilo), Sinugbuanong Binisaya (sa Cebu), Waray (sa Samar).

136. Sa komunikasyon na pasulat, alin sa mga sumusunod ang nararapat na isaalang-alang?

A. Lakas ng boses C. Maliksing mga mata

B. Maayos na pagpapalugit D. Pagkibit ng balikat

Sagot: B- Ang maayos na pagpapalugit o proper margin ay mahalagang salik sa komunikasyon na pasulat.

137. Ano ang tamang pagpapakahulugan sa idyomang “The present problem is only a storm in a

teacup”?

A. bale-wala C. may galit

B. buong puso D. matagumpay

Sagot: A-Ang idyomang “The present problem is only a storm in a teacup” ay nangangahulugan na

ang kasalukuyang problema ay hindi naman talaga tunay na problema o bale-wala.

138. Anong sangay ng linggwistika na sumasaklaw sa pag-aaral ng wastong baybay ng mga salita?

A. Ortograpiya C. Semantika

B. Morpolohiya D. Sintaks

Sagot: A- Ortograpiya. Ang morpolohiya ay nag-aaral sa istruktura ng salita. Ang semantika ay nag-aaral naman sa kahulugan ng salita samantala ang sintaks ay nakapokus sa pag-aaral tungkol sa wastong pag-uugnay at pagsasaayos ng mga salita para makabuo ng isang pangungusap.

139. Anong pagbabagong morpoponemiko ang ginamit sa mga sumusunod na salita: NIYAKAP, NILIGAW, NILIPAD?

A. Reduksyon C. Pagpapalit

B. Metatesis D. Asimilasyon

Sagot: B-Ang metatesis ang pagpapalitan ng posisyon ng mga ponema o tunog sa isang salitang nilalapia. Halimbawa: in+yaya=niyaya (ang unlaping in ay naging ni).

140. Isa sa pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles at kilala sa kanyang sagisag panulat na “Doveglion”.

A. Jose Garcia Villa C. Alejandro Abadilla

B. N.V.M. Gonzalez D. Zulueta de Costa

Sagot: A-Si Jose Garcia Villa ay kilala sa paggamit ng mga matatalim na mga salita. Ang kanyang sagisag panulat na “Doveglion” ay mula sa mga salitang dove, eagle at lion.

141. Ibigay ang pagbabagong morpoponemiko ang nangyari sa mga sumusunod na salita: TAKPAN, DALHAN, BUKSAN.

A. Pagkakaltas C. Pagpapalit

B. Metatesis D. Asimilasyon

Sagot: A-Ang pagkakaltas ng ponema ay nangyayari kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala kapag nilalagyan ng hulapi. Halimbawa: takip-takpan (nawala ang “i”), dala-dalhan (nawala ang “a”), bukas-buksan (nawala ang “a”).

142. Ano ang panlapi na ginamit sa mga sumusunod na salita: PINAGSUMIKAPAN, SANSINUKUBAN?

A. hulapi C. kabilaan

B. tambalan D. laguhan

Sagot: D-Laguhan ang tawag sa isang panlapi na binubuo ng tatlong panlapi na kinakabit sa isang salitang-ugat. Ito ay may unlapi, gitlapi at hulapi. Halimbawa: pinagsumikapan, sansinukuban.

143. Alin sa mga sumusunod na salita ang HINDI kabilang sa pangkat?

A. klaster C. diptonggo

B. diin D. pares minimal

Sagot: B.-Ang “diin” ay isang ponemang suprasegmental. Samantala, ang klaster, diptonggo at pares minimal ay mga ponemang segmental.

144. Ibigay ang uri ng tayutay ang pinapakita sa pahayag na: “Pag-ibig, huwag mo akong talikuran”.

A. Pagmamalabis C. Palit-tawag

B. Pagtawag D. Palit-saklaw

Sagot: B-Ang pagtawag o apostrophe ay ang pakikipag-usap sa isang bagay na wala namang kakayahang magbigay ng sagot.

145. Ang tono, diin at antala ay mga halimbawa ng ______.

A. ponemang segmental C. ponemang suprasegmental

B. morpemang segmental D. morpemang suprasegmental

Sagot: C-Ang mga ponemang suprasegmental ay ang mga ponemang hindi makikita sa alpabeto dahil hindi sila sinisimboluhan ng mga titik. Halimbawa ng ponemang suprasegmental ay ang tono, diin, antala at haba.

146. TILA imposible na magkatotoo ang iyong mga pangarap. Nasa anong uri ng pang-abay ang bahaging may malalaking titik?

A. Pang-abay na Pamaraan C. Pang-abay na Pang-agam

B. Pang-abay na Panlunan D. Pang-abay na Kondisyunal

Sagot: C-Ang pang-abay na pang-agam ay nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandowa. Halimbawa sa mga ito ay ang mga salitang marahil, parang, tila, siguro, baka.

147. Ano ang uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag na nasa ibaba?

“Kapalaran, kumampi ka naman sa akin!”

A. Pagmamalabis C. Palit-tawag

B. Pagtawag D. Palit-saklaw

Sagot: B-Ang pagtawag o apostrophe ay ang pakikipag-usap sa isang bagay na wala namang kakayahang magbigay ng sagot.

148. KUNG matapos mo ito nang maaga, may premyo ka mula sa akin. Nasa anong uri ng pang-

abay ang bahaging may malalaking titik?

A. Pang-abay na Pamaraan C. Pang-abay na Pang-agam

B. Pang-abay na Panlunan D. Pang-abay na Kondisyunal

Sagot: D-Ang pang-abay na kondisyunal ay ginagamit sa pagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos. Halimbawa sa mga ito ay ang mga salitang kung, kapag, pag, pagka.

149. Ang mga salitang “dukha, daga, pasa” ay mga halimbawa ng mga salitang binibigkas ng _____.

A. Malumi C. Malumanay

B. Maragsa D. Mabilis

Sagot: B- Ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuluy-tuloy na tulad ng mga salitang binibigkas nang mabilis subalit ito ay may impit o pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng malumi, ito ay palagiang nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na pakupya (/\) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.

150. Anim na malalaking mangga ang ibinigay niya sa akin. Anong uri ng pang-uring pamilang ang

sinalangguhitang salita?

A. Patakaran C. Pamahagi

B. Panunuran D. Pamatlig

Sagot: D. Ang patakaran ay ang karaniwang paraan ng pagbilang (halimbawa: isa, dalawa, tatlo).

Ang panunuran naman ay nagsasaad ng ayos o pagkakasunud-sunod ng mga tao o bagay

(halimbawa: una, ikalawa, ikatlo). Ang pamahagi ay nagsasaad ng pagbabahagi ng isang kabuuan

(halimbawa: kalahatian, sangkapatan). Samantala, ang pamatlig ay tumutukoy sa panghalip na

ginagamit sa pagturo o pagtukoy sa isang bagay (halimbawa: iyan, iyon, dito).


#LPT Exercises#LPT Practice Tests


Comments

Popular posts from this blog

SOCIAL SCIENCE/SOCIAL STUDIES

Professional Education

PROFESIONAL EDUCATION