LET REVIEW MATERIALS-GENERAL EDUCATION
📚GENERAL EDUCATION-FILIPINO📚 Review Material in #FILIPINO 150 Items with Answer Keys 1. Ito ay isang sangay ng linggwistika na sumasaklaw sa pag-aaral ng kayarian o istruktura ng salita. A. Ortograpiya C. Semantika B. Morpolohiya D. Sintaks Sagot: B-Morpolohiya. Ang ortograpiya ay nag-aaral sa wastong baybay ng mga salita. Ang semantika ay nag-aaral naman sa kahulugan ng salita samantalang ang sintaks ay nakapokus sa pag-aaral tungkol sa wastong pag-uugnay at pagsasaayos ng mga salita para makabuo ng isang pangungusap. 2. “Lumilindol.” Anong uri ito ng pangungusap na walang tiyak na paksa? A. Temporal C. Penomenal B. Eksistensyal D. Modal Sagot: C-Ang penomenal na pangungusap ay nagpapakita ng pangyayaring pangkalikasan o pangkapaligiran. 3. Ibigay ang panlapi na ginamit sa mga sumusunod na salita: kaligayahan, pagmamahalan, pagkatiwalaan. A. hulapi C. kabilaan B. tambalan D. laguhan Sagot: C-Kabilaan ang tawag sa dalawang panlapi na kinakabit sa isang salitang-ugat. Ang k...